Na lab at first sight ako sa Melbourne. Kasama ng aking pamilya humanga ako sa ganda ng Federation Square, sa mga eskinita o laneways. Ang Yarra River na tumatahi sa gitna ng syudad na ito. Binulungan ako ng Melbourne, dumito na kayo wika nya.
Sinunod ko ang lukso ng damdamin ko tinanggap ko ang proposal nya. Mahirap ang umpisa pero habang lumaon, naging masaya ang buhay namin ng aking pamilya sa Melbourne. Sa tingin ko mas may kahulugan ang buhay dito sa Melbourne.
Dino Medina poses along the banks of the Yarra River Source: Supplied by D.Medina
Sakto lang siya-madaming Pinoy, masaya, may mga Filipino stores at di kalayuan sa Pinas.
Nakahanap ako ng trabaho sa gobyerno sa Medicare Australia at hanggang sa ngayon ay naging makulay ang aking karera sa departamento. Naging backdrop ang syudad ng Melbourne. Ang syudad na kung saan nainlab, nadapa, bumangon at naging mas matapang sa buhay. Dito sa Melbourne ko nahugot ang lakas ng loob na mabuhay at magpalaki ng pamilya katuwang ang aking maybahay.
Sa weekend nagbe-bake din ako ng Pinoy cakes para sa mga kaibigan at mga iba pang Pinoy na nakakabalita ng aking cakes. Sa pamamagitan nito dito ako nakahanap ng outlet para makakonek sa ating kultura at sa komunidad ng mga Filipino sa Melbourne.
Ang mabuhay sa Melbourne at makihalubilo at maging isa sa mga mamamayan nito ang pinaka memorableng bahagi ng pagtira dito sa Melbourne.
Sa pagtira sa Melbourne nakilala ko lalo ang aking sarili - kung paano ang pagtira sa ibang bansa at pagiging independent sa magulang at sa kulturang Pinoy na ating kinalakihan. Natutunan kong makibagay, maging mas matapang at higit sa lahat maging matatag.
ALSO READ