Bilang ng mga Pilipino sa Australya patuloy ang pagtaas

Ayon sa bagong data na inilabas ng Australian Bureau of Statistics, tumataas ang bilang ng mga Pilipino na naninirahan sa Australya.

Filipino family, Filipinos in Australia, Pinoys in Australia

People born in the Philippines are the fifth largest group in Australia. Source: Getty Images/FatCamera

 Ngayong 2019, tumaas ang kasalukuyang bilang ng mga Pilipino sa Australya sa 294,000 mula sa 278,000 noong 2018.

Ang mga nagtala na ipinanganak sa Pilipinas ay nasa ika-lima sa pinakamalaking grupo at kumakatawan sa higit isang porsyento ng populasyon ng Australya, ayon sa nakalap na bagong datos ng Australian Bureau of Statistics.

Image

Data ng bawat estado

Base sa census data noong 2016, pinakamarami ang bilang ng mga Pilipino sa New South Wales na nagtala ng bilang na 94,100, sinundan ito ng Victoria na may 56,000. 

Sumunod na may pinakamataas na bilang ang estado ng Queensland at Western Australia na nagtala ng bilang na 43,100 at 33,400. Sinundan naman ito ng South Australia na nagtala ng 13,300 katao.

Nagtala naman ng pinakamababang bilang ang estado ng ACT na may 4,000 katao at ang Tasmania na may 1,800 katao. 

Habang sa Northern Territory naman naitala na pinakamalaking grupo ang mga Pilipinong migrante, na may 7,000 katao. 

 

NB: State and Territory Population by Country of Birth is only available for Census years.

 

 


Share
Published 28 April 2020 4:50pm
Updated 29 April 2020 8:16pm
By Roda Masinag


Share this with family and friends