Kapag regular na nagda-drive, malaki ang tsansa na masangkot sa aksidente sa daan. Kaya narito ang mga nararapat gawin kapag nangyari ito.
Ihinto ang sasakyan sa ligtas na lugar.
Unang gawin matapos ang aksidente kinakailangan ihinto ang sasakyan sa ligtas na lugar. Sa Australia isang malaking kremin kapag umalis sa pinagyarihan ng aksidente.
Kapag madilim ang lugar na pinangyarihan, gumamit ng hazard lights para bigyang babala ang ibang drivers . Kung maaari, alisin ang mapanganib na bagay na nakaharang sa daan.
Tingnan ang kalagayan ng mga nasangkot sa aksidente
Kapag hindi masyadong nasaktan, maaring suriin ang kalagayan ng ibang driver, siklesta at ibang tao na sangkot sa aksidente para masegurong maayos rin ang kalagayan nito. Huwag subukang galawin ang mga sugatan, maliban nalang kung namimiligro ang kanilang buhay.
Tumawag sa emergency at police services
Kailan tumawag sa 000
- Kung may sugatan,
- Kung ang kabilang driver ay posibleng naka-inum o gumamit ng droga,
- Kung may malaking danyos o panganib,
- Kung ang kabilang sangkot sa aksidente ay tumakas o nagmamatigas na ibigay ang personal nilang detalye.
Magpalitan ng importanteng detalye
Sa maraming pagkakataon, hindi kailangan tumawag agad ng emergency services, subalit, kailangan magpalitan ng mahalagang detalye ang magkabilang partido. Ang bawat partido kailangan may lista sa mga sumusunod:
- Petsa, oras, at lokasyon ng aksidente,
- Ang personal na detalye ang kabilang driver (pangalan, telepono, address, insurance, registration number, kulay, modelo at kailan ginawa ang sasakyan),
- Kung ang driver sa panahong iyon ay hindi may-ari ng sasakyan, kailangang kunin ang pangalan, address,telepono ng may-ari,
- Kung maaari, kunin ang pangalan , at contact details ng mga naksaksi sa aksidente,
- Kung nakarating ang pulis, kunin ang pangalan ng police officer, ang istasyon nito at contact details
Kunan ng larawan ang mga sira o danyos sa aksidente gamit ang smartphone
Maraming kailangang tandaan pero ang pinakamadaling gawin ay ilista ang mga kinakailangan sa loob ng sasakyan, para punan na lang kung kinakailangan.
May maraming Apps gaya ng Car Accident Report at iWrecked na maging gabay kapag nangyari ang insidente.
Halimbawa kapag nagmamaneho at nagasgasan ang isang sasakyan pero wala ang may ari nito, mag-iwan ng kompletong detalye para maaring matawagan.
I-report ang aksidente
Kung hindi nakarating ang mga pulis sa panahon ng aksidente, kinakailangang i-report ang pangyayari lalo na kung malaki ang danyos. Ipagbigay alam ito sa pinakamalapait na pulisya sa inyong estado sa loob ng 24 oras.
Mapabilang sa malaki o malubhang aksidente kapag may lubhang sugatan o may namatay sa insidente, kapag ang kabilang kampo o driver ay hindi nagbigay ng detalye, kapag ang sasakyan ay na-tow o kung ang tinatayang danyos ay umabot sa $3,000 o higit pa.
Ang minor o maliit na aksidente ay pangkaraniwang hindi na kailangang i-report sa pulisya, subalit maiging gawin ito para maging mas madali ang pag-aayos sa insurance.
Kailangang hatakin o i-tow ang sasakyan
Dahil sa malaki ang danyos at kailangang hilahin ang sasakyan, tumawag sa towing company. Itago ang kompletong detalye ng kompanya at i-save sa telepono ang kanilang contact number.
Tumawag sa insurance
Kung may insurance ang sasakyan tumawag agad sa kompanya. Dahil minsan sila na mismo ang tumutulong para tumawag sa towing company para hilain ang iyong sasakyan.
Mga kinakailangan ng insurance mo:
- Ang pangalan, telepono at licence number ng may-ari ng sasakyan kasama na ang kompletong detalye ng kabilang driver ng sasakyan.
- Kompletong detalye ng dalawang kampo (registration number, kulay,kailan gawa ang sasakyan at modelo)
- Kompletong detalye ng insurance ng kabilang saksakyan
- Detalye ng aksidente
Pangkaraniwan ng inirerekomenda ng iyong insurance na huwag aminin na ikaw dahilan ng aksidente, habang hindi pa sinusuri ng mga propesyonal.
At higit sa lahat manatiling kalmado, bagama’t nakakabahala kapag nasangkot sa isang aksidente subalit, maging mas madali ang lahat kapag ang mga nasangkot na indibidwal ay sumunod sa proseso ng mahinahon.