Explainer

Paano binabantayan sa eskwelahan ang mga batang may allergy…

Maraming estratehiya ang ginamit ng Australia para mabawasan ang peligrong dala ng allergy at anaphylaxis sa mga eskwelahan. Kung may reaksyon, may mga malinaw na alituntunin na sinusunod para sa mabilis na pagtugon sa sitwasyon.

GettyImages-908815444.jpg

Μαθητές σε σχολείο της Αυστραλίας Credit: Getty Images/courtneyk

Pangunahing puntos
  • Ang Australia ay may pinakamataas na kaso ng food allergy
  • Ang Action Plans ay nagbibigay ng malinaw na patnubay para malaman at tugunan ang allergic reaksyon
  • Ang Best Practice Guidelines ay ginawa noong taong 2021 para sa anaphylaxis para maiwasan at matugunan
  • Ang Adrenaline injectors ay maaaring mabili kung may PBS authority na resita
Ang Australia ang may pinakamataas na food allergy rates sa buong mundo.
Ayon sa Food Authority ng , ang food allergy ngayon ay naka-apekto 1 sa bawat 10 mga sanggol at halos 2 sa bawat 100 tao na nasa hustong gulang sa buong bansa.

Kaya ikinababahala ng mga magulang ang pagpasok ng mga anak sa eskwelahan, lalo na silang mga bagong dating sa bansa, na walang alam sa sinusunod na sistema at alituntunin kung food allergy ang pag-uusapan.

Subalit ayon kay Maria Said ang CEO ng Allergy and Anaphylaxis Australia, nakasalalay sa tamang komunikasyon sa pagitan ng magulang, eskwelahan doktor o health professional ang maaayos na pagtugon sa kondisyon ng anak.

Dagdag nito dito sa Australia sa pangkalahatan maaayos ang ginagawang pangangasiwa sa mga may allergy at nagsisimula din ito kapag nakahanap ng may sapat na kaalaman na health professional na mapagkakatiwalaan.

Payo nito huwag magself-diagnose at maniniwala sa kwento ng iba.
Hindi madali ang makahanap ng doktor na agad makapalagayan ng loob ng pamilya pero sa usaping food allergy ito ang aming inirerekomenda.
Maria Said, CEO of Allergy and Anaphylaxis Australia

Action Plans; alamin at tugunan ang allergic reactions

Kapag ang mga batang may allergy at ipinasok sa eskwelahan at childcare. Kinakailangang ang bawat magulang ay magbigay ng impormasyon tungkol sa kondisyon ng anak at anaphylaxis care-plan kasama na dito ang tinatawag na Action Plan.

Ang Australian Society of Clinical Immunology and Allergy o ay may tinatawag na . Ito ay isang medical document, na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kondisyon ng bata at kung paano ito tutugunan ng doktor o nurse kapag nagka-allergy.

Ayon kay Dr Katie Frith isang paediatric immunologist at allergist mula sa Sydney Children’s Hospital, ang mga planong ito ay maaaring tukuyin ng kanilang mga kulay.

Ang "red action plan" ay para sa mga may resita ng adrenaline injector, at mapangabib sa anaphylaxis. Ang "green action plan" ay para sa mga walang adrenaline injector, ngunit peligroso pa din sa allergic reaction.
Dahil dito, ang mga eskwelahan ay nararapat lang na may kopya sa mga kulay na planong ito.

Dagdag ni Dr Frith, ang Action Plans ay doumentong hindi napapaso o walang expiration date ngunit kinakailangan itong i-update ng doktor.

"May mga eskwelahan na nagre-request na dapat i-update ang Action Plans kada taon, pero hindi na ito kinakailangan dahil may mga batang may allergy na 18 hanggang 2 taon ang pagussuri ng kanilang Action Plans."

Ang Australia ay may pambansang alituntunin

Samantala taong 2021, inilunsad ang ito ang evidence-based na pambansng alituntunin para maiwasan ang peligrong dulot ng anaphylaxis sa mga eskwelahan at childcare centres.

At ang kabuuang mensahe sa inilunsad na alituntuning ito ay ang kahalagahan na maging “allergy aware,” kaysa umasa lamang sa ipinapatupad na pagbabawal sa mga pagkaing nakakapag-trigger ng allergy lalo na sa mga bata, gaya ng nuts at itlog, na maaaring magdulot ng peligro sa kanilang buhay.

Preschool kids
Preschool kids Source: Getty / skynesher
Ang pagbabawal sa mga pagkain na nakaka-trigger ng allergy ay talagang hindi mabisa, kailangan ng sistema na ipatupad para mabawasan ang peligro mismo sa loob ng eskwelahan.
Novia Chan
Para kay Novia Chan na ang anak na si Tristen ay allergic sa maraming klase ng pagkain gaya ng dairy products, itlog, at nuts. Ang pagtuturo sa kanyang anak tungkol sa sariling kalagayan at pagkakaroon ng alituntunin tungkol sa kanyang pagkain, ay mabisang hakbang para maging ligtas ang anak.

"Sabi ko kay Tristen, huwag kumain ng bigay ng iba'. Kung gusto nyang tumikim ng ibang pagkain, bigay nya sa akin para ma-check ko ang ingredients, at para masegurong nut free, dairy free at egg fee," sabi ni Ms Chan.
Checking label ingredients at supermarket
Checking label ingredients at supermarket
Sa katunayan, sa eskwelahang pinapasukan ni Tristen ang Action Plans ay naka-display sa kanilang silid-aralan, bilang paalala sa mga guro at kaibigan tungkol sa kanyan kalagayan.

Nagbibigay-daan ito sa mga estudyante na matuto tungkol sa allergy at maging maingat sa kanilang mga dinadalang baon.

"Ang kagandahan pa dito sa Australia ay bawal ang food sharing sa snacks at lunch kahit sa magkakaibigan," dagdag paliwanag ni Ms Chan.

Dagdag pa ni Ms Said, importante na magtutulungan ang mga magulang at empleyado ng eskwelahan, at kailangan susunod din ang mga bata."
Kailangan ipaalam at turuan ang mga bata sa food allergies kasama ang kanilang mga kaibigan. Turuan din sila panganib na dala ng analphylaxis at kung paano ipatupad ang mga paraan para maisalba ang buhay ang bata.
Maria Said, CEO of Allergy and Anaphylaxis Australia

Ang panggagamot at eskwelahan

Ang mga magulang ay kinakailangang magbigay ng gamot at ilatag ang Action Plans para sa kanilang mga anak.

Habang ang mga eskwelahan naman ay nakahanda na ang “emergency kit” para sa lahat ng mga estudyanteng may allergy, nakapaloob na dito ang mga gamot at Action Plans.

Kung may school activities gaya ng palaro o excursion ang mga bata sa labas ng eskwelahan, mismong mga guro ang magdadala ng mga gamot ng batang may allergy.

Dapat ding bantayan na ang mga nakahandang gamot ay hindi expired dahil kapag nagkataon, hindi maaaring makasama sa excursion ang mga batang may allergy na expired ang inihandang gamot. Kaya kung may expired na gamot dapat itong palitan.

Adrenaline injectors sa PBS (Pharmaceutical Benefits Scheme

Dito sa Australia, hindi na nangangailangan ng resita kapag bumuli ng adrenalin injectors, Epipen o Anapen.


Subalit, sabi ni Dr Frith mahal ang mga gamot na ito na umaabot sa $75 hanggang $100 para sa bawat injector.

Ang pinakamabisang paraan para makakuha ng adrenaline injector ay kumuha ng PBS Authority prescription, sa pamamagitan nito ay maaaring makakuha ng 2 adrenaline injectors na magkakahalaga lang ng $40.
Dr Katie Frith, Paediatric Immunologist & Allergist at Sydney Children's Hospital
Dapat ding tandaan ang paunang Pharmaceutical Benefits Scheme authority prescription o resita ay gawa ng espesyalistang doktor.

At sa pangalawang resita saka na maaari mula sa inyong GP o doktor.

Kaya payo ni Dr Frith sa kanyang mga pasyente, huwag munang itapon ang mga expired ng adrenalin injector bilang back up, lalo’t nakakaranas ngayon ang buong bansa ng kakulangan ng supply dala ng pandemya sa nakaraang taon.

"Mahalaga na may access sa isang in-date na injector, para ang adrenaline ay hindi to mawala ng bisa, kaya maganda na magkaroon ng isang pang back-up."

Mahusay din na paraan na sanayin ang sarili gamit ang isang orange o bote ng tubig, upang maging pamilyar sa injector, na inirerekomenda.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin:

 

Share
Published 10 August 2022 8:41pm
By Yumi Oba
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends