Mahigit 30% ng mga Australian ay ipinanganak sa ibang bansa. Alamin kung gaano karami ang mula sa Pilipinas

Malaki ang itinaas ng bilang ng mga Australyanong ipinanganak sa ibang bansa simula noong 1891.

People walking down a street in Brisbane

Three countries account for more than a third of Australia's overseas-born population. Source: AAP / Jason O'Brien

Key Points
  • 18.5 million na Australians ang ipinanganak sa Australia at 8.2 million naman mula sa overseas.
  • Tatlong bansa ang bumubuo ng higit sa ikatlong bahagi ng populasyon ng Australyanong ipinanganak sa ibang bansa.
  • Tinatayang 3.6% ng populasyon sa buong mundo ay naninirahan sa labas ng kanilang pinanganakang bansa.
Ngayon lamang nakapagtala ng ganito kataas ang proporsyon ng mga taong ipinanganak mula sa ibang bansa ang naninirahan sa Australia magmula noong 1800s.

Ayon sa datos na inilabas ng Australian Bureau of Statistics noong Miyerkules, umabot sa 30.7 porsyento ang proporsyon ng populasyon ng Australia na ipinanganak sa ibang bansa noong 2023, mula sa 29.5 porsyento noong 2022.

Ang proporsyon ng mga Australyanong ipinanganak sa ibang bansa ay hindi naging ganito kataas mula pa noong 1891, noong unang naitala ang ganitong datos.
A graph showing Australia's estimated resident population proportion born overseas between 1893 and 2023
The amount of Australians who were born overseas has not been as high as it currently is for 130 years. Source: SBS
Sa kabila ng mataas na antas ng imigrasyon noong 1890s, bumaba ang proporsyon sa 10 porsyento noong 1947 dahil sa pagbaba ng migrasyon noong Unang Digmaang Pandaigdig, Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at ang Great Depression.

Simula noon, patuloy ang pagtaas ng proporsyon ng mga Australyanong ipinanganak sa ibang bansa—maliban sa bahagyang pagkaantala ng pagtaas na ito noong pandemya ng COVID-19.

Kinumpirma ng Australian Bureau of Statistics (ABS) na ang kanilang mga tala ay nakabatay sa mga bilang ng populasyon sa oras na iyon, at ang mga Indigenous Australians ay hindi regular na isinama sa ganitong mga bilang hanggang 1971.

Ilang tao ang mayroon sa kabuuan ng Australia?

Aabot sa 26.6 milyong tao ang populasyon na naitala sa pinakabagong datos noong Hunyo 2023, na binubuo ng 18.5 milyong ipinanganak sa Australia at 8.2 milyong ipinanganak sa ibang bansa.

Ang populasyon ng mga ipinanganak sa ibang bansa sa Australia ay tumaas ng halos kalahating milyong tao sa 2023.

Saan nanggaling ang karamihan sa mga bagong Australyano?

Tatlong bansa ang bumubuo ng higit sa ikatlong bahagi ng populasyon ng mga Australianong ipinanganak sa ibang bansa.

Ang England, India, China, at New Zealand ang pinakakaraniwang mga bansa ng kapanganakan sa pinakahuling datos ng mga Australianong ipinanganak sa ibang bansa.
Habang ang mga ipinanganak sa England ay nananatiling pinakamalaking grupo ng mga ipinanganak sa ibang bansa, na may 962,000 na tao, ang kabuuang bilang na ito ay bahagyang bumaba mula sa higit isang milyong tao isang dekada na ang nakalipas.

Ang pangalawang pinakamalaking grupo ay ang mga ipinanganak sa India, na may kabuuang 846,000, na tumaas mula sa 754,000 noong 2022.

Ang populasyon ng mga ipinanganak sa China ay bahagyang mas mababa kaysa sa mga nakaraang taon, na pumapangatlo sa 656,000 tao.

Mas maraming New Zealanders kaysa dati ang nakatira ngayon sa Australia. Ang mga Kiwi ay bumubuo sa apat na pangunahing populasyon ng mga ipinanganak sa ibang bansa, na umaabot sa 598,000 na tao.

Sa kabuuan, 170,000 na mga Australyanong ipinanganak sa Australia ang nadagdag sa populasyon ng bansa. Ang bilang na ito ay kinabibilangan ng dami ng kapanganakan, binawasan ng dami ng kamatayan, at net migration patungo sa ibang bansa.

Trend ngayon ng overseas-born population

Pinakamalaki ang pagtaas ng bilang ng komunidad ng Indian, Chinese, Nepali, at Filipino sa loob ng Australia sa pagitan ng 2013 at 2023.

Sa mga bansa na mayroong hindi bababa sa 1,000 tao na nakatira sa Australia, ang mga taga-Latvia ang isa sa pinakamatatanda, na may median age na 80 taon.
A graph showing Australia's population by country of birth.
The foreign-born communities within Australia that grew the most between 2013 and 2023. Source: SBS
Sa kabilang banda naman, ang pinakabatang median age ng mga Australyanong ipinanganak sa ibang bansa ay mga Qatari, na may median age na 15 taon.

Mas maraming lalaking Ni-Vanuatu sa Australia kaysa sa mga babae, halos tatlong beses ang dami, habang may higit sa dalawang beses na mas maraming babaeng Thai kaysa sa mga lalaking Thai sa Australia.

Paghahambing ng Australia sa ibang bansa

Sa buong mundo, tinatayang mayroong 280.6 milyong tao (o 3.6 porsyento ng pandaigdigang populasyon) na naninirahan sa labas ng kanilang pinanganakang bansa sa datos hanggang 2020.

Ang Estados Unidos ang may pinakamaraming tao na ipinanganak sa ibang bansa kaysa sa anumang ibang bansa.

Higit sa 50 milyong tao doon ay ipinanganak sa labas ng bansa, na bumubuo ng 15.3 porsyento ng kabuuang populasyon nito.
Ang Australia ay pang-siyam sa bilang ng mga may mamamayan na ipinanganak sa ibang bansa na naninirahan dito, ngunit ang bilang na iyon ay bumubuo ng mas malaking proporsyon ng populasyon, na 29.9 porsyento.

Sa paghahambing, 88.1 porsyento ng mga naninirahan sa United Arab Emirates ay ipinanganak sa labas ng bansa, habang 72.8 porsyento ng populasyon ng Kuwait ay ipinanganak din sa ibang bansa.

Share
Published 26 April 2024 10:25am
By Aleisha Orr
Presented by TJ Correa
Source: SBS


Share this with family and friends