Australia bumoto ng 'No' sa referendum ng Indigenous Voice to Parliament

Ang panukalang Voice to Parliament ay natalo sa unang referendum ng Australia sa mahigit dalawang dekada.

VOICE REFERENDUM COUNTING

Ballot papers are seen at a counting centre in Melbourne, Saturday, October 14, 2023. Australians will vote in a referendum on October 14 on whether to enshrine an Indigenous voice in the country's constitution. (AAP Image/Con Chronis) NO ARCHIVING Source: AAP / CON CHRONIS/AAPIMAGE

Key Points
  • Ang matunog na 'No' ang resulta sa eferendum para sa Indigenous Voice to Parliament.
  • Anim na estado at ang Northern Territory ay bumoto ng 'No', samantalang ang ACT ay bumoto ng 'Yes'.
  • Hinimok ni Prime Minister Anthony Albanese ang mga Australyano na magkaisa.
Tinanggihan ng mga Australians ang isang panukalang isama ang Indigenous Voice to Parliament sa Konstitusyon.

Bumoto ng 'No' ang lahat ng anim na estado pati ang Northern Territory noong makasaysayang araw ng Sabado.

Ang 'No' na boto ay nangunguna rin sa kabuuang pambansang bilang.

Ang ACT ang tanging hurisdiksyon na nag-record ng 'Yes' na boto.

Ikinadismaya man ni Prime Minister Anthony Albanese ang resulta pero sinabi nito na "hindi tumutukoy sa atin at hindi ito dahilan ng pagkakahiwalay."

"Ngayon ay nasa atin lahat ang pagkakaisa at paghanap ng ibang paraan patungo sa iisang mithiin ng pagkakaayos."

PM Anthony Albanese .jpg
Australian Prime Minister Anthony Albanese nagbigay ng isang pahayag ukol sa resulta ng Voice Referendum sa Parliament House.
Samantala nanawagan sa buong sambayanan si Opposition leader Peter Dutton na magkaisa, paglalagay ng label sa reperendum bilang isang patunay na "hindi kailangang magkaroon" ng Australya.

"Ang panukala at ang proseso ay dapat na na-disenyo upang pagsamahin ang mga Australyano, hindi upang ipaghihiwalay," aniya.
PETER DUTTON VOICE REFERENDUM ADDRESS
Ang Opposition Leader Peter Dutton at Shadow Minister for Indigenous Australians Senator Jacinta Price ay nagsalita sa media matapos ang referendum. Source: AAP / JONO SEARLE/AAPIMAGE
May mga Indigenous Australians ang nagdesisyong ipairal ang "week of silence" matapos ang resulta ng botohan, habang ang iba naman naghahanap na kung ano ang susunod nilang mga hakbang.

Ayon kay Indigenous Australians Minister at 'Yes' advocate Linda Burney , malaki ang kanyang tiwala na may lalabas mula sa bagong henerasyon na mga Indigenous leaders matapos ang nagyaring makasaysayang botohan.

Ayon sa kilalang 'No' campaigner na si Nyunggai Warren Mundine ang resulta ay nagpapakita na ang mga Australyano "ay nagnanais na makamit ang mga bagay" kaugnay ng mga problema na kinakaharap ng mga Indigenous communities.


"Dapat nang itigil ng mga tao ang pagbubulag-bulagan sa karahasan, pang-aabuso, mapanlinlang na pagkontrol, at mapanirang kaugalian sa mga komunidad ng mga Indigenous people," aniya.


Maging maalam at updated ukol sa 2023 Indigenous Voice to Parliament referendum mula sa buong SBS Network, kasama ang mga pananaw mula sa First Nations sa pamamagitan ng NITV. Bisitahin ang SBS Voice Referendum portal upang ma-access ng mga artikulo, mga video, at mga podcast sa higit sa 60 wika, o panoorin ang pinakabagong balita at analisis, mga dokumentaryo, at mga palabas nang libre, sa Voice Referendum hub sa SBS On Demand.

Maging maalam at updated tungkol sa 2023 Indigenous Voice to Parliament referendum mula sa buong SBS Newtwork, kabilang ang mga pananaw ng First Nations sa pamamagitan ng NITV.

Bisitahin ang  upang ma-access ang mga artikulo, mga videos at podcasts sa higit sa 60 wika, or panoorin ang pinakabagong balita at analysis, dokumentaryo, at mga palabas na libre sa

Share
Published 15 October 2023 12:43pm
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends