Key Points
- “Stop it at the Start” ang kampanyang ito ay naglalayon na tapusin ang siklo ng karahasan sa paghikayat sa mga nakakatanda na maging mabuting huwaran.
- Huwag isantabi ang pagpapangaral sa mga bata na gumawa ng tama at igalang ang lahat
- Maraming resources ang mahanap para simulan ang pag-uusap tungkol sa magandang kaugalian at paggalang
Ilang beses nyo ba narinig ang katagang “ang lalaki ay nagpaka-lalaki " o “okay lang yan ginawa nya yan dahil gusto ka nya," tungkol sa pagkawalang-galang o agresibong kaugalian sa mga kababaihan?
Ayon sa mga eskperto, kung susumahin parang hindi ito nakasasama subalit ang katotohanan hindi natin namamalayan na tinatanggap natin ang pagka-agresibo ay likas na ugali ng mga kalalakihan o pino-provoke ng mga babae.
Hindi lahat ng pinapakitang kalapastanganan o kawalang-galang ay humahantong sa karahasan, ngunit tandaan lahat ng karahasan sa kababaihan ay nagsisimula sa kawalan ng paggalang sa kanila.
Pero lahat ng ito ay maaari nating tuldukan, bago pa magsimula ang karahasan.
Ano ang kampanyang “Stop it at the Start”?
Ang ay pinangunahan ng Council of Australian Governments, na naglalayong tapusin ang siklo ng lahat ng gender-based violence.
Sinimulan ang kampanyang ito noong 2016 matapos lumabas ang nakakabahalang istatistika tungkol sa karahasan sa kabataan at kababaihan.
- Isa sa tatlong kababaihan ang biktima ng sekswal o pisikal ng pang-aabuso simula noong 15 taong gulang ng kanilang kakilala.
- Halus isa sa apat na kababaihan ay biktima ng emosyonal na pang-aabuso ng kanilang partner simula 15 taong gulang.
Napag-alaman na sa pangkaraniwan, isang babae ang pinapatay ng kanilang kasalukuyang kinakasama o dating kinakasama bawat sampung araw.Assistant Minister for Social Services and Prevention of Family Violence, Justine Elliot
“Isa lang ang nakikita nating makakapagbago dito kapag tutukan ito ng gobyerno para mabigyan ng solusyon ang problema sa hindi patas na pagtrato, at maraming paraan ng diskriminasyon," sabi ni Assistant Minister for Social Services and Prevention of Family Violence, Justine Elliot sa SBS.
Kinikilala ng kampanyang ito na ang pag-uugali ng mga kabataan ay naimpluwensyahan at nahuhubog ng mga mas nakakatanda, mga taga-pag-alaga at mga taong nakapalibot sa kanila.
Ang target ng kampanya ay ang mga magulang at nasa kanilang pangangalagang anak na nasa edad 10 hanggang 17 taong gulang, para suriin at pagnilayan ang sariling pag-uugali at higit sa lahat maging positibong huwaran sa lahat lalo na sa kabataan
Kilalanin ang siklo ng karahasan
“Ang karahasan ay hindi lang nagsisimula, lumalala ito," sabi ni Dr Rosina McAlpine, isang parenting expert at may akda ng Inspired Children.
Kwento ni Dr McAlpine lumaki sya sa tahanan kung saan ang karahasan ay naipasa mula sa kanyang lolo sa kanyang ama.
“Ang ama ko ay namulat sa henerasyon kung saan ang corporal punishment ay paraan ng pagdidisiplina para lumaking maayos ang mga bata."

Ang nakaraang henerasyon ay naniniwalang ang pagdidisiplina at corporal punishment ay ang paraan para mapalaki ang mga bata ng maayos. Credit: FluxFactory/Getty Images
Naalala pa nito na minsa'y nagsuot sila ng pantalon at tights sa panahon ng tag-init para matabunan ang mga natamong pasa.
“Ngunit sa panahon iyon walang nag-iingay tungkol sa karanasang ito dahil normal yon sa aming komunidad.
“Marami kaming natutunan sa paligid, pinapangaralan kami tungkol sa buhay at pamilya, kung ano ang katanggap-tanggap at hindi, tama at mali."
Hindi madaling buwagin ang cycle na ito dahil naniniwala ang ama ni Dr McAlpine na ang pagdidisiplina sa mga anak sa pamamagitan ng pagpapakita ng agresibong pag-uugali o pananakit ay tamang pamamaraan.
Samakatuwid, nagpatuloy ang paulit-ulit na karahasan sa loob ng bahay dahil wala silang alam na paraan sa pagdisiplina, dagdag paliwanag nito.
Noong kabataan ko, nababahala ako dahil baka matulad ako sa ama ko. Kaya ilang taong ang aking ginugol sa pagsasaliksik at pagbabahagi ng paraan ng pagsuporta sa pagiging magulang para mabuwag ang siklo ng karahasan sa kanyang pamilya.Dr Rosina McAlpine, Parenting expert and author of 'Inspired Children'.
Itigil ang maraming dahilan
Ang pagdadahilan sa kawalan ng paggalang o pagiging agresibo na kaugalian sa mga kababaihan ay maaaring maghulma sa pananaw ng mga tao na ito ay katanggap-tanggap.
Ang makikitang sa website ng kampanyang ito ay naglalarawan kung paano ang lengwahe ay may itinatagong ibig sabihin.
Lumalabas na hindi mapanira ang terminong "ang mga lalaki ay nagpakalalaki" at maaaring maintidihan ito ng mga kababaihan na "ganyan talaga ang mga lalaki-dapat masanay na tayo" o para sa mga sa mga lalaki "ganyan na talaga kami, okay lang."
Ayon kay Dr McAlpine hindi ito dapat pinapahintulutan at pangaralan ang mga kabataan tungkol sa walang respeto na kaugaliang ito.

Parents and carers have the responsibility to educate children about respect Credit: MoMo Productions/Getty Images
Panatilihing aktibo, bukas at patuloy ang pakikipag-usap
Bahagi ng kampanya ang "paghikayat na aktibo, bukas at patuloy ang pagkikipag usap tungkol sa paggalang sa relasyon at pagtrato ng pantay-pantay," sabi ni Ms Elliot.
“Ito na ang mahalagang pagkakataon na simulan na pag-usapan ito."
Hindi madali ang pag-usapan ang pagiging bastos o hindi magalang at pagiging agresibo na kaugalian sa mga bata. Ngunit, dapat ang mga magulang at carers ay handa na makipag-usap sa lahat ng pagkakataon.
Hindi pa huli o masyadong maaga para pag-usapan kasama ng inyong mga anak ang pagiging magalang sa lahat.Dr Rosina McAlpine
Ang isa sa resources ng kampanyang ito ay nagbibigay din ng . Ito ay makakatulong para matulungan paano simulan ang pag-uusap at intindihin at himayin ang mga tugon ng mga bata.
Kaya, kung ang mga magkapatid ay nag-aaway, huwag itong ibaliwala, dapat buwagin, pagsabihan at tanungin sila," ito ba ang tamang kaugalian na ipapakita? may paggalang ba sa nangyari?" paliwanag ni Dr McAlpine.
Mayroon ding ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga magulang at myembro ng pamilya para kilalanin at unawain ang pananaw ng bata tungkol sa pagiging magalang o pagbigay ng respeto.
Pagtugon sa isyu sa paraang sensitibo sa kultura
Mataas ang bilang ng kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan sa mga Culturally and Linguistically Diverse (CALD) na komunidad, kasama na dito ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander na grupo, saad ni Ms Elliot.
Ang mga lider ng CALD communities ay may mahalagang papel na gampanan para masolusyonan ang problema sa paraang batay sa kultura.
Ayon kay Maria Dimopoulos ang Board Chair ng Safe and Equal, isang domestic violence specialist services sa Victoria.
Ang pagbibigay ng solusyon sa isyu para maiwasan ang karahasan sa kababaihan at kabataan sa mga komunidad na ito, ay una dapat kilalanin ang papel ng bawat kultura, ang kanilang paninirahan at ang mahalagang kaparaanan kung saan may malaking epekto sa karanasan ang pagiging multiculturalism.
sa halip na tingnan ang kultura o pananampalataya bilang isang kakulangan, dapat alamin natin kung paano ito magamit para maitayong matatag at kapaki-pakinabang ang pakikipag-uganayan sa komunidad.Maria Dimopoulos, Chair of Safe and Equal
Maaaring ma-access ang Stop it at the Start campaign sa sariling wika at katutubo, na makikita sa .
Ang kampanya ay gumagana at may pakinabang
Ang kampanyang "Stop it at the Start” ay nasa pang-apat na yugto sa taong ito, at sa pagsusuri na isinagawa lumabas na 68 porsyento ng mga indibidwal tinawag ang kampanyang ito ay kapaki-pakinabang.
"82 porsyento ng mga indibidwal na nakakita sa kampanya ay naunawaan at tinanggap ang kanilang responsibilidad, para turuan ang mga bata paano ang pagiging magalang sa lahat," sabi ni Ms Elliot.
Kaya turuan natin ang ating mga anak na rumespeto sa lahat. At sa pamamagitan ng pagkilala sa siklo ng karahasan at maaari nating tuldukan sa simula pa lamang at bilang mga magulang nararapat lang na maging tunay na mabuting huwaran sa kanila.
Suporta at mga Serbisyo
Kung ikaw o may kakilalang biktima ng panankit o sekwal na pang-aabuso tumawag sa 1800RESPECT on 1800 737 732 or visit