Key Points
- Ang parada ng Anzac Day noon ay tradisyonal na para sa mga lumaban sa Gallipoli. Ngayon, ito ay pinalawak para sa mga kasalukuyang at lahat ng dating sundalo, sundalang babae, at ang kanilang mga kasamang angkan, kabilang ang mga mula sa iba't ibang pinagmulang lahi.
- Marami sa mga Australyanong nagsanay ay nagmula sa iba't ibang pinagmulang lahi.
- Nais ng mga tao mula sa iba't ibang kultura na makipag-ugnayan sa Anzac Day.
Sa Anzac Day, nagdiriwang ang mga Australians sa buong bansa para sa mga taong naglingkod, mga lumaban, at mga namatay sa mga puwersa ng Australia at New Zealand, kung saan ang parada ng Anzac Day ay isa sa mga pangunahing pagdiriwang na nagpaparangal sa kanilang sakripisyo at kabayanihan.
Tuwing ika-25 ng Abril taun-taon, ang parada ay tradisyonal na inialay sa mga miyembro ng Australian and New Zealand Army Corps (ANZAC) na lumaban sa Gallipoli noong World War One.
Gayunpaman, ngayon ay pinalawak ito para sa lahat ng dating mga sundalo ng Australia, sundalong babae, at ang kanilang mga angkan, kasama ang mga nasa kabilang panig ng gyera sa Gallipoli.
Noong 2006, pinahintulutan ng RSL ng Victoria ang mga angkan ng Turkish World War One veterans na sumali sa parada ng Anzac Day, na nagpapatuloy hanggang sa ngayon.
READ MORE
How to participate in Anzac Day
Si Jean McAuslan, na tumanggap ng AMaGA (Australian Museum and Galleries Association) Victoria's life achievements awards para sa kanyang dekada-dekadang trabaho sa The Shrine of Remembrance at Australian War Memorial, ay sinabi sa isang nakaraang panayam sa SBS na ang mga exhibit at talaan ay nagpapakita ng pagtanggap sa iba't ibang bansa sa isang kultura ng Australia.
Idinagdag ni McAuslan na ito ay nagpapakita ng pagbabago sa lipunan sa paglipas ng panahon, na malaki ang impluwensiya ng epekto ng digmaan.
Ipinaliwanag niya na habang ang mga bilanggong tulad ng mga Italiano, Aleman, at Hapones ay kailangang bumalik sa kanilang bansa pagkatapos ng digmaan, may ilan na nakapag-establish na ng kanilang pamumuhay sa Australia.
"Ang mga Italiano, lalo na, ay sobrang popular sa pagtatrabaho kasama ang mga lokal na magsasaka, habang sila ay nakabilanggo, kaya't minsan ay sinusuportahan sila ng pamilya para bumalik at manirahan sa Australia," sabi ni McAuslan.
Samantala si Sankar Nadeson, isang contemporary artist at mananaliksik na may pinagmulang Indian subalit ipinanganak sa UK, ay nakabase sa Naarm/Melbourne at may art studio sa London.
Left to Right: Alex Ilyin (right) with former comrade in arms Don Frohmuller and contemporary artist and researcher Sankar Nadeson.
Layunin niya na magbigay-diin sa "positive national pride" na walang jingoismo o walang kwentang retorika.
Sinabi ni Nadeson na kahit lumaki siya sa England at naglalagay ng mga poppies tuwing Remembrance Day mula pa noong bata pa siya, hindi niya kailanman ikinonekta ang kanyang kasaysayan sa Anzac.
Hindi ito nangyari hanggang sa magsimula siyang magtrabaho kasama ang mga babaeng biniyuda ng mga beterano ng digmaan na napagtanto niya ang cultural diversity ng mga Anzacs at nag-iwan ng pgdududa sa sarili niyang kwento.
Sa pamamagitan ng aking mga artistic engagements kasama ang mga mag-aaral mula sa mga unibersidad at sekondarya at pangunahing paaralan sa buong estado, napansin ko na marami ang hindi nakakaalam sa pagkakaroon ng Chinese Anzacs.Sankar Nadeson
"Tanong ko sa aking tiyahin, at sinabi niya oo, lumaban ang iyong lolo sa British Army sa Malaysia, at wala akong kaalam-alam, talagang wala akong alam. Hindi ko talaga naikonekta ang kwento ng Anzac o anumang kwento ng tunggalian sa digmaan sa pamamagitan ng mga imperial na puwersa o sa Australian Defence Force sa napaka-personal na antas sa relasyon sa aking kasaysayan at sa aking pamilya," paliwanag niya.
Sinabi ng na marami sa halos 420,000 Australyanong nagsanay sa World War One ay nagmula sa iba't ibang pinagmulang lahi, kabilang ang mga First Nations Peoples at yaong may mga British, Asian, Greek, at Northern European na pinagmulan. Humigit-kumulang na 200 Chinese migrants ang lumaban sa World War One para sa Australia. Habang nagtatrabaho kasama ang Australia China Youth Association, sinabi ni Sankar Nadeson na ang kanyang mga mag-aaral ay hindi pamilyar sa multikultural na komposisyon ng Anzac.
"Ang mga mag-aaral na may lahing Chinese ay madalas na hindi pamilyar sa mahalagang kasaysayan ng mga Chinese Anzacs. Upang ipakita ito, lumikha kami ng mga contemporary artworks gamit ang street art, kabilang ang mga stencil na naglalarawan ng mga tiyak na Chinese Anzacs. Ang isa sa mga stencil ay nagpapakita kay Billy Sing, isang kilalang sniper na naglingkod sa Imperial Forces sa panahon ng World War One," sabi ni Nadeson.
A Maori warrior in traditional dress leads the New Zealand veterans in the Anzac Day Parade through Sydney CBD on April 25, 2021, in Sydney, Australia. (Photo by Ruth Goodwin/Getty Images) Credit: Ruth Goodwin/Getty Images
"Kapag nakakita sila ng isang Chinese na may suot na slouch hat, nakikita nila na talagang mayroon silang napakalaking bahagi sa kasaysayan; sila ay kasangkot sa kasaysayan ng Australia at sila ay mahalaga," dagdag niya.
Ipinanganak sa China na may Russian o Rusong pinagmulan, si Alex Ilyin ay nanirahan sa Australya 50 taon na ang nakakaraan. Ang kanyang paglilingkod sa hukbong sandatahan ay nagpabawas sa kanyang pag-unawa sa kultura ng Australia.
"Pumunta ako sa Australia noong '59; tinawag ako sa serbisyo noong '67. Ang aking Ingles ay hindi gaanong magaling, at ang aking pag-unawa kung paano ang buhay sa Australia ay mula sa perspektibo ng isang bagong dating na migrant," sabi ni Ilyin.
Ang paglilingkod ng dalawang taon sa hukbong sandatahan ng Australia ay talagang nagbukas ng aking mga mata. Matiyagang nagtrabaho ako kasama ang mga tunay na Aussies mula sa probinsya, at ito ay malaking tulong sa akin upang maunawaan ang paraan ng pamumuhay ng mga Australians, ang kanilang pananalita, wika, mga kaugalian, at marami pang iba.Alex Ilyin
Ngunit para sa ilang mga sundalo at kanilang mga tagapagmana o angkan, may mapait na nararamdaman kapag sila ay bumabalik mula sa aktibong paglilingkod. Pagkatapos mula sa Vietnam war , naalala ni Alex Ilyin na laban sa kaguluhan ang opinyon ng publiko.
"Kapag kami ay nagmula sa Vietnam, marami sa amin ang sinabihan: 'OK, magsuot ng civilian, at huwag kayong magpakita kahit saan', dahil mayroong napakalakas na anti-Vietnam feeling sa Australia. Kaya kami, ang mga taong pinadala ng aming gobyerno upang lumaban para sa Australia, ay bumalik at kailangang magtago, patawad sa ekspresyon, halos sa hiya," alaala ni Ilyin.
Ngunit sa ilalim ni Bob Hawke, kinilala ng Australia ang paglilingkod ng mga beterano tulad ni Alex Ilyin sa pamamagitan ng isang malaking parada sa kanilang pag-uwi.
"Mula sa iba't ibang panig ng Australya, naglakbay ang mga tao patungong Sydney sa gastos ng gobyerno, at nagmartsa kami sa mga lansangan ng Sydney. Mula roon, itinaas namin ang aming mga ulo at lubos kaming proud. Ginawa namin ang kailangan ng aming bansa," sabi ni Ilyin.
Simula noong 1987, hindi na namimiss ni Alex Ilyin ang parada ng ANZAC Day.
Ayon kay Sanker Nadeson, na nagtrabaho sa komunidad ng Sikh, ang pampublikong pagkilala sa prosesong nagbibigay-ginhawa ay nakakatulong sa paghilom ng bansa.
"Kapag nakikita ng mga tao na kami o ikaw para sa kung ano ang inyong naiambag, kung ano ang inyong ginawa, may malaking bahagi ng paghilom, at maaari na kayong umusad nang may kumpiyansa sa lipunan," sabi ni Nadeson.
People participate in the ANZAC Day March in Sydney, Australia, on Tuesday, April 25, 2023. (Photo by Steven Saphore/Anadolu Agency via Getty Images) Source: Anadolu / Anadolu/Anadolu Agency via Getty Images
"Nang nakipag-ugnayan ako sa mahigit sa isang daang miyembro ng komunidad sa isang Sikh temple sa kanlurang hilaga ng Melbourne, may napakalakas na damdamin na ang komunidad na ito ay hindi na maituturing na 'iba'."
Sinabi ni Nadeson na dahil sa pagkilala sa mga beterano nito, mas naramdaman ng komunidad ng Sikh na sila ay mas naging bahagi ng lipunan ng Australia.
"Sa ilang pagkakataon, nare-realize mong kaiba ka sa mas malawak na komunidad, ngunit kapag ang mga bagay ay nagiging magkasundo at na naging magkaisa , nararamdaman mong Australian ka na din; sa katunayan, nararamdaman mong ito ang tunay na Australia."
Kaya, ang komunidad ng Sikh ay tunay na naramdaman ang pagkilala na sila ay lubos na konektado sa komunidad na ito, hindi sa iba.Sankar Nadeson
Sa pamamagitan ng kanyang trabaho sa iba't ibang komunidad, naisip ni Nadeson kung paano hinaharap ng komunidad ang bawat araw , na ipinapakita ang kanilang likas na mga tradisyon.
"Sa kultura ng Sikh, napakahalaga nito. May napakaseryosong tono dahil mayroon silang mga warrior-saint tradition, ngunit sa parehong oras, palaging mayroong damdamin ng pagdiriwang, kaya't napakakulay nila."
"Pagkatapos, mayroon kang komunidad ng mga Tsino, at lahat ay pula, pula para sa Remembrance ngunit pula rin para sa kasaganaan. Kapag gumagawa sila ng mga larawan ng mga Chinese diggers, talagang mayroon silang napakalakas na koneksyon at malalim na respeto sa pambansang pagsasamahan ng mga ninuno," dagdag ni Nadeson.
Crowds are seen during the ANZAC Day March in Sydney, Australia, on Tuesday, April 25, 2023. (Photo by Steven Saphore/Anadolu Agency via Getty Images) Source: Anadolu / Anadolu/Anadolu Agency via Getty Images
"Ang aking pagmamasid ay mayroong pagnanais, mula sa mga taong nakakausap ko, na maging bahagi nito, na makilahok sa isang napakahalagang araw sa kasaysayan ng Australya," aniya.
Tuwing 25 Abril, ang layunin nina Alex Ilyin at ng kanyang anak ay panatilihin ang kanilang tradisyon sa pamamagitan ng pagsali sa Anzac Day march, bilang pagpaparangal sa mga nagsilbi sa Australian army.
"May pagpapatuloy ng tradisyon ng Anzac. Pumasok ang aking anak sa militar, naglingkod siya bilang regular sa Iraq, Timor, at Solomon Island bilang isang peacekeeper, kaya ang tradisyon ay buhay at nagpapatuloy pa rin."
Ang commemorative services na idinaraos ng madaling-araw tuwing ika-25 ng Abril ng buong bansa, ay kapareho ng original na oras ng pag-landing sa Gallipoli. Bilang pagtatapos ng araw, nagaganap ang mga Anzac Day march mula sa mga maliit na bayan hanggang sa mga pangunahing lungsod.
Upang malaman pa ang hinggil sa kasaysayan ng Anzac, bisitahin ang ng pamahalaan ng Australia at .
*The Returned and Services League