Australian half-sister ni Pangulong Bongbong Marcos, kinasuhan ng umano’y assault matapos malasing sa flight

Ipinagbawal na uminom ng alak si Analisa Josefa Corr at partner nitong si James Alexander Corr sa mga paliparan sa Australia.

JETSTAR FLIGHT ASSAULT COURT

James Alexander Corr (left) and Analisa Josefa Corr arrive at the Downing Centre Local Court in Sydney, Friday, January 10, 2025. (AAP Image/Bianca De Marchi) NO ARCHIVING Source: AAP / BIANCA DE MARCHI/AAPIMAGE

Humarap sa korte ang half-sister ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na si Analisa Josefa Corr, 53, at partner nitong si James Alexander Corr, 45, matapos akusahan ng umano’y pag-inom ng alkohol, lasing at nanggulo habang nasa Jetstar flight mula Hobart papuntang Sydney.

Pumayag ang dalawa na hindi iinom o kokonsumo ng alkohol sa mga paliparan sa Australia o eroplano habang nakapyansa. Napagkasunduan din na ibabalik sa kanila ang kanilang mga pasaporte sa ilalim ng ilang kondisyon.

Inakusahan si Analisa ng assault ng isang kapwa pasahero sa labas ng plane toilet matapos na umano’y uminom ang alkohol na bitbit ng dalawa sa flight noong ika-28 ng Disyembre.

Inaresto ang mga ito matapos lumapag ang eroplano sa Sydney at dinala sa pulisya at kinasuhan.

Sa ulat ng BBC, si Analisa Josefa Corr ay anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr sa dating modelo mula Sydney na si Evelin Hegyesi.

Share
Published 10 January 2025 5:27pm
Updated 10 January 2025 5:37pm
By AAP
Source: SBS

Share this with family and friends