Key Points
- Lumabas sa isang dokumentong mga potensyal na pagbabago sa points test para sa mga nagnanais na maging migrante sa Australia.
- Ito ang magiging unang overhaul ng sistema mula noong 2012.
- Susuriin ng Australian National University ang mga skills na makakatulong sa pagpapaunlad ng bansa.
Naghahanap na ng paraan ang pamahalaang pederal upang baguhin ang points test system para sa mga skilled migrants kasunod ang desisyon na bawasan ang bilang ng mga migrante sa Australia.
Ang points test ay bahagi ng proseso sa mga migrante na matanggap at makapag-migrate sa Australia.
Isang discussion paper ang inilabas na naglalarawan ng mga potensyal na pagbabago sa points test, na siyang magiging unang pag-update ng sistema mula noong 2012.
Ayon sa isang review sa sistema ng migrasyon ng Australia, na ibinigay noong Disyembre, ang points test ay dapat sumentro sa mga katangiang nauugnay sa matagumpay na paghahanap ng mga skilled work migrants.
Lumabas din sa review na dapat na magkaroon ng kasiguruhan ang mga prospective migrants sa nasabing points test, gayundin tutukan ang mga industriya na may kakulangan sa skill at kilalanin ang mga nakakabatang aplikante.
Ayon kay Home Affairs Minister Clare O'Neil, makakatulong ang pagbabago sa points test sa mas maayos na immigration system.
"Our goal is to build a smaller, better planned, more strategic migration system that works for Australia," saad nito.
"We are significantly reducing migration levels, we are in the middle of the biggest drop in migration numbers in Australia's history, outside of war or pandemic."
Ilan pa sa stretahiya na inilatag ang paraan para maibalik ang bilang nga mga migrante bago pa ang COVID, gayundin ang kalahatiin ang net overseas migration by 2025.
Sumampa sa 500,000 noong 2022/23 financial year ang overseas net migration matapos ang pandemya dahil sa pagbabalik ng mga international students at mga turista.
Inihain ng review ang pagbabago points test at “makabuo ng kinakailangan core para sa future permanent skilled migration program" kung saan mahigit 60% ng permanent skilled migrants ang pinipili.
"We're focused on making sure that a smaller migration program is bringing in people who have skills we need to build Australia's future," wika ni O'Neil.
Kinomisyon ng pederal na gobyerno ang Australian National University upang suriin ang mga skills o kasanayan na nagsusulong sa tagumpay ng bansa bilang bahagi ng reporma sa points test.
Sinabi din sa nasabing discussion paper na bagaman may mga reporma sa points test, ang paraan ay dapat patuloy pa rin na magbigay ng pathway sa mga temporary migrant na naghahanap ng permanent residency o citizenship.
"When temporary migrants have a clear understanding of what is required to meet these pathways, it builds our social fabric and reduces vulnerability to exploitation," ayon sa nasabing discussion paper.
"Getting the points test right is critical to restoring permanent residence at the heart of our migration system and maximising the economic benefit to Australia."
RELATED CONTENT
Trabaho, Visa, atbp