Latest

COVID-19 update: Bakuna para sa mga batang edad lima pababa, inaprubahan ng Australia, pero 'di lahat mabibigyan

Ito ang inyong COVID-19 update sa Australia ngayong ika-3 ng Agosto.

Children Under 5 Receive Covid-19 Vaccines At University Of Washington Hospital

-On Wednesday, Australia followed the US and Canada in rolling out the COVID-19 vaccines for children under five. Source: Getty / David Ryder

Highlights:
  • About 70,000 children under five can access COVID-19 vaccines from 5 September
  • New studies show Wuhan in China was the epicentre of coronavirus
  • TGA extends expiry date of antiviral drug Paxlovid from 12 to 18 months
Inaprubahan ng Australia ang COVID-19 vaccine na mula Moderna para sa piling grupo ng mga bata na edad anim na buwan hanggang limang taon.

Sinabi ni Health Minister Mark Butler nasa 70,000 bata na may malubhang immunocompromise, disability, at kumplikado at ilang kondisyong pangkalusugan ang maaaring makakuha ng bakuna kontra COVID-19 simula ika-5 ng Setyembre.

Ani Ginoong Butler walong linggo ang maaaring pagitan ng dalawang dosis ng bakuna. Ilang mga bata ang maaaring makakuha ng ikatlong dosis.

"ATAGI is not currently recommending COVID-19 vaccination for children aged 6 months to under 5 years who are not at increased risk. ATAGI will continue to monitor the evidence in relation to the benefit of vaccination in this age group," ani G Butler.

Inihayag nito na nakakuha ang kagawaran ng 500,000 paediatric doses, at ang paunang suplay ay darating sa huling bahagi ng linggong ito.

Ang pagbibigay ng bakuna ay sa pamamagitan ng ospital sa mga estado at teritoryo. Plano din ng gobyerno na magbigay ng mga bakuna sa pamamagitan ng mga general practitioner.

Ani Butler sisimulang buksan ang pagpapatala para sa pagbabakuna sa huling bahagi ng Agosto, at hinihiling sa mga magulang na huwag munang kontakin ang mga vaccination providers sa mga oras na ito.

Nauna nang inaprubahan ng US, Canada at ilang bansa sa Asya ang COVID-19 vaccine para sa mga batang edad lima pababa.

Ntong Miyerkules, ini-ulat ng Australia ang hindi bababa sa 66 na pagkamatay mula COVID-19, kabilang ang 39 sa New South Wales (NSW) at anim sa Queensland at ganundin sa Victoria.

Alamin ang pinaka huling COVID-19 trends para sa mga bagong kaso, naoospital at namamatay dahil sa virus sa Australia.

Pinalawig ng TGA ang expiry date ng antiviral drug na Paxlovid mula 12 buwan ginawa itong 18 buwan, basta's nakatago ito sa lugar na mababa sa 25 degrees Celsius ang temperatura.

Ang unang batch ng Paxlovid ay may expiry date na Agosto.

Napag-alaman ng dalawang peer-reviewed na inilathala sa na ang Huanan Seafood Market sa Wuhan, China ang pinaka-sentro ng coronavirus.

Nabanggit ng mga may-akda na ang paglitaw ng SARS-CoV-2 ay nangyari sa pamamagitan ng live wildlife trade sa China.
Find a COVID-19 testing clinic

Register your RAT results here, if you're positive

Here is some help understanding

Read all COVID-19 information in your language on the

Share
Published 3 August 2022 3:29pm
Updated 4 August 2022 10:10am
Source: SBS


Share this with family and friends