- Pito ang naitalang namatay sa Victoria dahil sa COVID-19, at apat naman ang naitalang namatay sa NSW at Queensland,
- Siyam ang naitalang namatay sa Queensland dahil sa COVID-19, at isa naman ang naiulat na namatay sa Tasmania.
- Hinihikayat ni NSW Deputy Chief Health Officer Marianne Gale ang mga magulang napabakunahan ang kanilang maga anak na may edad lima pataas.
- Mamimigay ang Victoria sa publiko ng 140,000 travel vouchers sa darating na Miyerkules, alas dos ng hapon.
- Kung makakuha ng travel voucher, makakatanggap ng $200 na reimbursement ang sinumang gagastos ng higit $400 sa kanilang bakasyon.
- Naglunsad ang bagong halal na South Australian Premier Peter Malinauskas ng bagong modelling ng gobyerno, at batay dito maaaring umabot sa 8,000 ang kaso ng COVID-19 sa estado pagdating ng Abril.
Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic
I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT
Bisitahin ang para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.