Nitong Lunes, Sa Australya mayroong nai-report na 17 katao namatay sa COVID-19, kabilang ang pito sa New South Wales (NSW), lima sa South Australia (SA) at tatlo sa Queensland.
Alamin ang pinka-huling COVID-19 trends para sa bagong kaso, mga na-ospital at namatay sa Australya .
Sa Australya, kasalukuyang mayroong 1,064 active COVID-19 outbreaks sa mga residential aged care facility, kung saan mayroong 9,906 positive cases.
Sa 9,906 infected na katao, 6,360 ay residente, at 3,546 ay staff.
Sa NSW mayroong 344 nai-report na outbreak - ang pinaka mataas na bilang sa bansa. Sinundan ito ng Queensland (231), Victoria (218), SA (127) at WA (96).
Sinabi ng Minister of Aged Care Anika Wells na 78.8 porsiento ng eligible residents sa mga aged care facility ay nakatanggap na ng pang-apat na dose ng bakuna kontra COVID-19.
Mula ngayong araw (1 Agosto), maglalabas bawat linggo ang Department of Health and Aged Care ng mga datos ng mga nababakunahan na mga residente at staff sa bawat aged care home.
Nag-isyu ang The Therapeutic Goods Administration (TGA) ng pahayag kung saan niliwanag nito na hindi nito tinanggal ang ilang mga COVID-19 rapid antigen tests mula mga tindahan sa kabiguan ma-detect ang Omicron COVID-19 variant.
Idiniin ng TGA na mahalaga ang mga RAT sa pagharap at pag manage sa pandemya. Hindi man ito sing sensitibo ng mga PCR tests ngunit mas mabilis itong maisagawa at agad matatanggap ang resulta. Sinabi na ang mga RAT ay pinaka accurate sa pag test sa mga pasyenteng nakakaranas ng sintoma.
Sinimulan na ng The Australian Technical Advisory Group on Immunisation (ATAGI) ang pagsuri ng mga datos sa paggamit ng protein-based Novavax COVID-19 vaccine sa mga bata na nasa edad 12-17 taong gulang.
Binigay ng TGA ang provisional approval sa Novavax vaccine noong ika 28 ng Hulyo.
Ayon sa ATAGI kasalukuyang pina-finalize pa ang desisyon sa paggamit ng Spikevax vaccine ng Moderna sa mga bata mula anim na buwan hangang limang taon gulang.
Sa darating na mga linggo, ipamamahagi ng pamhalaaan ng WA ang karagdagang 11.87 milyong libreng RATs sa mga mag-aaral at satff ng mga paaralan.
Samantala, SA na extend ang libreng bakuna laban sa flu hangang ika 31 ng Agosto.
Nasa mabuting kalagayan ang Pangulo ng US Joe Biden matapos itong muling magpositibo sa COVID-19, ayon sa White House.
Nagpositibo si Pangulong Biden para COVID-19 sa unang pagkakaton noong ika-21 ng Hulyo at uminom ng antiviral drug Paxlovid. Negative ang resulta niya noong ika 26 at 27 ng Hulyo.
Ang ikalawang positive na resulta ay isinalarawan bilang 'rebound,' isang sitwasyon sa mga pasyente na gumagamit ng gamot na Paxlovid. Siya ay kasalukuyang nasa isolation.
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,