COVID-19 Update: Border sa pagitan ng Victoria at NSW, binuksan na; NT naka-high alert

Flights between NSW and Victoria have resumed without any COVID-19 restrictions, as the border between the two states reopens.

Source: AAP

Binuksan na ang border sa pagitan ng New South Wales at Victoria. Dahil dito, papayagan nang maka-byahe ang mga residente para makitang muli ang mga kamag-anak na matagal na nilang hindi nakita simula nang magka-pandemya. 

Samantala naka- ang Northern Territory matapos may maitalang isang bagong kaso ng COVID-19 sa teritoryo. Ito umano ang unang pagkakataon na magkaroon ng hawaan, kaya kinailangang ipatupad ang tatlong araw na lockdown.

Magpupulong naman ang para pag-usapan ang sitwasyon ng bansa sa pagharap sa krisis ng COVID-19. Kasama sa pag-uusapan ang muling pagbubukas ng international borders at pagbabakuna sa mga bata.

Sa ibang balita, natukoy naman ng ilang scientists sa University of Oxford sa UK ang isang gene na nagdudulot ng lung failure at pagkamatay para sa mga tinamaan ng COVID-19. At ito umano ay kalimitang matutukoy sa mga taga-South Asia.

COVID- 19 Statistics

  • Victoria, nagtala ng 1,343 na panibagong kaso ng COVID-19 at sampu ang naiulat na namatay.
  • NSW, nagtala ng 249 na bagong kaso ng coronavirus at tatlo ang namatay.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends