Kinakaya ng mga ospital sa Australia ang kasalukuyang bugso ng COVID-19 .
Ito ang naging pahayag ni Chief Medical Officer Paul Kelly noong Miyerkules sa Senate estimates hearing kung saan iginiit nitong handa ang sistemang pangkalusugan ng bansa sakaling may dumating na bagong variant.
Tututukan ani Professor Kelly na mabawasan ang panganib ng mga tao sa malalang sakit imbes na pigilan ang pagkalat ng virus sa hinaharap.
Nagpositibo naman sa COVID-19 si New South Wales Health Minister Brad Hazzard. Fully vaccinated ang ministro at plano pang dumalo online sa mga pagpupulong kaugnay ng trabaho.
Nagtala ang NSW ng pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 at mga pagkasawi. Nitong Miyerkules, naiulat ang 24,151 na bagong kaso at 15 pagkamatay kumpara sa 19,183 na kaso at 12 pagkamatay noong Martes.
Namahagi naman ang Victoria ng libreng 16 million na rapid antigen test kits na sinimulan ngayong linggo sa mga estudyante, staff at mga bata sa lahat ng sistemang edukasyon na aabot hanggang unang apat na linggo ng pangalawang termino.
Sa gitna ng mga babala ng muling pagtaas ng kaso dahil sa papasok na taglamig, hinikayat noong Martes ni Punong Ministro Scott Morrison ang mga premier ng bawat estado na luwagan ang panuntunan sa isolation para sa mga close contact.
Mahigpit na binabantayan ng mga health authority ng bansa ang pandaigdigang lagay ng pandemya at ang paglabas ng bagong COVID variant na ‘XE’. Pinaniniwalaang ang bagong variant na ito ay pagsasama ng orihinal na strain ng Omicron na BA.1 at ang BA.2 na kilala din sa ‘stealth Omicron’.
Una nang na-detect ang XE sa United Kingdom tatlong buwan na ang nakalilipas. Naniniwala ang mga mananaliksik na sampung porsyentong mas nakakahawa ito kumpara sa BA.2 bagaman kailangan ng mas masusing pag-aaral.
Nagluwag na ang Northern Territory ng mga ilang. Ilan dito ang hindi na kailangan ng pruweba ng bakuna upang makapasok sa mga bar, pub, nightclub, restaurant, casino, sinehan at teatro.
Paniwala naman ng mga epidemiologist na ang aktuwal na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay maaring mas mataas pa dahil sa mga taong asymptomatic, mga hindi nagte-test ng RAT o PCR at marami pang dahilan.
Sinuspinde naman ng ang suplay ng bakuna na COVAXIN matapos malaman ang mga kakulangan sa maayos na manufacturing. Sinabihan ng WHO ang mga bansang gumagamit ng bakuna na gumawa ng karampatang aksyon.
Ang Australia ay tumatanggap ng bakunang Covaxin (Bharat Biotech) sa mga intensyon ng pagbiyahe.
Bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Australia para sa 6 April 2022
New South Wales: 24,151 na bagong kaso, 1,444 nasa ospital, 51 nasa ICU at 15 ang nasawi
Victoria: 12,150 na bagong kaso, 331 nasa ospital, 16 nasa ICU at 3 ang nasawi
Queensland: 8,534 na bagong kaso, 468 nasa hospital, 14 nasa ICU at 1 ang nasawi
Western Australia: 8,499 na bagong kaso, 259 nasa ospital, 9 nasa ICU at 4 ang nasawi
Tasmania: 2,408 na bagong kaso, 39 nasa ospital, 1 nasa ICU at isa ang nasawi
Northern Territory: 513 na bagong kaso, 20 nasa hospital, walang nasa ICU at walang nasawi
Alamin ang karagadagang impormasyon tungkol sa
Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic
I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT
Bisitahin ang para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.