Key Points
- Health Minister tinawag na “pag-aaksya at hindi epektibo” ang COVIDsafe app
- Concession card holders sa ACT makakakuha ng libreng RATs sa kanilang local library
- Victoria pinalawig ang eligibility criteria para sa Japanese encephalitis vaccine
- Western Australia nag-anunsyo ng 20 libreng RATs para sa bawat kabahayan
Nitong Martes, naiulat sa Australia ang 124 na kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19, kabilang ang 52 sa Victoria, 35 sa Queensland at 30 sa New South Wales.
Ayon sa pamahalaan ng Victoria, sa 52 na nasawi, 40 ang naganap nito lamang nagdaang linggo at 10 ang naitala sa nakaraang fortnight.
Sinabi ni Health Minister Mark Butler na tinanggal na nila ang hindi epektibo at pag-aaksaya na COVIDSafe app na inilunsad noong April 2020.
Aniya, gumastos ang pamahalaan ng $21million para sa app na nakakatukoy lang ng dalawang positibong kaso at 17 close contacts.
Mula 15 August, lahat ng pamilya sa Western Australian ay makakatanggap ng 20 libreng RATs mula sa kasalukuyang drive-through collection points, COVID-19 vaccination clinics sa metropolitan area at COVID-19 testing clinics sa regional areas.
Pinalawig ng Victoria ang eligibility criteria para sa Japanese encephalitis vaccine.
Ang mga residenteng edad 50 hanggang 65 na naninirahan at nagtatrabaho sa Mildura, Swan Hill, Gannawarra, Campaspe, Moira, Greater Shepparton, Indigo at Wodonga local government areas ay makaka-kuha ng librenf bakuna mula sa piling GPs at ilang COVID-19 vaccination hubs.
Ang mga concession card holders sa Australian Capital Territory ay makakakuha na ng tatlong libreng RATs sa kanilang local library.
Pero ang mga may sintomas ng COVID-19 ay papayagan lang kumuha ng RAT mula sa Garran Surge Centre o kaya ay PCR test.
Nakabuo ang mga mananaliksik sa Massachusetts Institute of Technology ng isang "easy-to-use" test na nakakatukoy ng antas ng COVID-19 immunity mula sa bakuna, impeksyon o kombinasyon ng dalawa.
Ang test ay nakatakdang pa-aprubahan sa US Food and Drug Administration.
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,