Latest

COVID-19 update: Pagsipa ng kaso ng omicron mapapa-aga; Australia makakakuha ng supply ng monkeypox vaccine

Ito ang inyong COVID-19 update sa Australia ngayong ika-4 ng Agosto.

CORONAVIRUS COVID19

Health Minister Mark Butler said data shows the current Omicron may have peaked early in the country, but they are still not calling it. (file) Source: AAP / Darren England

Key Points
  • Tiniyak ng Australia na magkakaroon ng 450,000 doses ng monkeypox vaccine sa bansa
  • Tinatalakay ng National cabinet ang sitwasyon ng bansa sa COVID-19, monkeypox at foot and mouth disease
  • Tumataas ng 20 per cent kada linggo ang kaso ng COVID-19 sa Western Pacific Region, kabilang ang Australia, Japan at Korea
Noong Huwebes, nakapag tala ang Australia ng 85 pagkamatay dahil sa COVID-19, 33 ay mula New South Wales (NSW), 31 sa Queensland at siyam sa Victoria.

Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa Australia.
Pinangunahan ni Prime Minister Anthony Albanese ang isang virtual meeting ng national cabinet para pag-aralan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa COVID-19, monkeypox (MPX) at foot and mouth disease.

Sinabi ni Health Minister Mark Butler na ayon sa datos, mas maagang mararanasan ang pagsipa sa pinakamataas na bilang ang kaso ng Omicron. Maaring ang nagdaang school holidays ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng bagong nagkakasakit.

Ipinagbigay alam ni Ginoong Butler nakakuha ang pamahalaan ng 450,000 doses ng bagong third-generation monkeypox virus vaccine. Ang unang batch na may 220,000 doses ay inaasahang dadating ngayong linggo.

Aniya, agad itong matatanggap ng mga estado't teritoryo.

Dagdag pa ni Ginoong Butler, bumubuo sila ng National MPXV Taskforce para pangunahan at magbigay ng abiso sa pagkikipag ugnayan sa komunidad.

Ayon kay Dr Noam Peleg, senior lecturer sa UNSW's Faculty of Law & Justice, ang desisyon ng NSW government na hindi palitan ang multa sa COVID-19 - na ipinataw sa 3,000 kabataan dahil sa paglabag sa patakaran - ay maaring paglabag din sa UN Convention on the Rights of a Child.

"The fines themselves are a violation of the Convention on the Rights of a Child," pahayag ni Dr Peleg .

"And working orders directed at children are a second, consequential, violation. NSW government measures are far from compatible with international best practices."

Ayon sa NSW Health, naabot na ang peak ng kasalukuyang Omicron wave sa NSW, at nag-plateau ang bilang ng mga naoospital sa ulat noong Huwebes.

Bumaba ang global COVID-19 infections ng siyam na poryento noong nakaraang linggo base sa ulat ng World Health Organization.

Pero tumataas ng 20 porsyento ang kaso bawat linggo sa Western Pacific Region, kabilang ang Australia, Japan at Korea.

Pinakamataas ang kasong naiulat sa Japan, US, Korea, Germany at Italy.

Basahin ang impormasyon tungkol sa

Hanapin ang COVID-19 testing clinic

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive

Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,

Kung kailangan ninyo ng tulong pinansiyal,

Narito ang ilang impormayson upang maunawaan ang

Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa

Share
Published 4 August 2022 6:59pm
Updated 4 August 2022 7:02pm
Source: SBS


Share this with family and friends