- Inilunsad sa Western Australia ang , bibigyan ng limang test kits ang bawat tahanan sa estado ng walang bayad.
- Maaari mag-apply ang mga residente ng Western Australia para i-pick up ang mga test kits , o kaya tumawag sa 13 COVID (13 26834). Ang numerong ito ay magbibigay serbisyo para ma-access ang ibang wika maliban sa English.
- Simula sa Lunes ika-28 ng Pebrero hindi na mandatory ang pagsusuot ng face masks sa mga estudyante ng high school at staff sa New South Wales.
- Simula ngayong araw hindi na kakailanganin sa mga paaralan sa NSW na mag- RAT test ang mga estudyante para makapasok.
- Sa Victoria, simula ngayong araw maaari ng ipagpatuloy ang lahat ng elective surgery.
- Simula sa Martes, A uno ng Marso tatapusin na ng estado ng Victoria ang pamimigay ng $450 COVID-19 isolation payment habang naghihintay ng resulta ng PRC test, dahil mas marami na ang gumagamit ng RAT tests.
COVID-19 sa buong Australia
Sa NSW 1,136 ang nasa ospital habang 55 ang nasa intensive care. Samantala, 6 ang namatay at nakapagtala ng 5,856 panibagong kaso ng Covid-19.
Sa Victoria, 283 ang nakaratay sa ospital, 42 ang nasa ICU at 7 ang naka-ventilator. Habang tatlo ang namatay at 5,852 ang bagong nailatang kaso.
Sa Tasmania, walang namatay dahil sa Covid-19 ngayong araw, 11 ang nasa ospital at 734 ang bagong kasong naitala na may Covid-19.
Sa ACT, 44 na indibidwal ang nasa ospital, walang na-ICU pero isa ang patay habang 464 ang naitalang panibagong kaso ng Covid sa buong teritoryo.
Sa Queensland, 3,312 ang naitalang panibagong kaso ng may virus, isa naman ang namatay. Samantala, 311 ang nakaratay sa ospital at 25 indibidwal ang nasa ICU.
Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic
I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT
Bisitahin ang para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.