Key Points
- Naglabas ang Australia ng kanta na magpapa-alala sa mga magulang ng epekto ng virus sa mga bata
- Bilang ng namamatay sa COVID-19 sa bansa lampas 13,000 na
- Iniulat ng WHO ang 24 porsyentong pagbaba ng kaso COVID-19 sa buong mundo
nakapag tala ang Australia nitong Biyernes ng 73 kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 kabilang ang 27 sa Victoria, 22 sa New South Wales at 14 sa Queensland.
Ngayong linggo, lumagpas na sa 13,000 ang kabuoang bilang ng namamatay dahil sa virus sa bansa. May kabuoan itong 13,229 nang magsimula ang pandemya.
Sinabi ni Health Minister Mark Butler sa ABC Radio na hirap pa rin ang mga ospital sa dami ng mga pasyente kahit na maagang naabot ang peak ng bugso ng Omicron at flu.
Ayon pa kay Ginoong Butler, hindi pa tapos ang pandemic at hindi katulad ng ordinaryong flu ang COVID-19 na isang seasonal virus.
Naglabas ang Department of Health and Aged Care ng bagong awitin na (I Got You) para paalalahanan ang mga pamilya kung paano maiiwasan ang pagkahawa sa sakit lalo na para sa mga bata.
Ngayong Sabado, mula 10 am hanggang 4.30 pm, makakakuha na ang mga South Australians ng COVID-19 vaccine at booster dose sa East Adelaide School, Whitefriars Catholic School, Berri Primary School, Pooraka Primary School at Magill Primary School.
Nagkaroon ng 24 porsyentong pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa ulat nitong ika- 14 August, ayon sa tala ng World Health Organization.
Bumaba ng 18 porsyento ang kaso sa Western Pacific Region, kabilang ang Australia, Japan at Korea.
Iniulat ng Japan, Korea, the US, Germany at Itlay ang pinakamataas na kaso ay naitala hanggang ika- 14 ng Agosto.
Binabantayan naman ng WHO ang 200 lineages ng Omicron.
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,