COVID-19 Update: Mas magiging mahigpit ang mga restriksyon sa Victoria habang tumataas ang hospitalisations

Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya ngayong ika-6 ng Enero 2022.

Gold Coast PCR testing line

People wait in line for a covid test at Robina Health Precinct on January 5, 2022 in Gold Coast, Australia. Source: Chris Hyde/Getty Images

  • Ang mga taong mayroong positibong resulta sa rapid antigen test ay di na kinakailangang mag-PCR test upang makumpirma ang impeksyon, sa ilalim ng mga pagbabago na inanunsyo ng national cabinet noong Miyerkules. 

  • Nagkaroon ng malaking pagtaas sa COVID-19 hospitalisations sa New South Wales at Victoria. 

  • Mula 8pm noong Miyerkules, may 1,609 na katao sa ospital sa NSW, mula sa 1,491 na naiulat noong nakaraang 24 oras. May 131 na pasyente sa intensive care. 

  • Sa Victoria, 631 na katao ang nasa ospital, mula sa 591 kahapon. May 100 katao sa estado ang nasa ICU.

  • May 284 na katao sa ospital sa Queensland, mula sa 265 na pasyente noong Miyerkules. May 12 na katao sa ICU.

  • Magkakaroon muli ng density limits sa Victoria mula 11:59pm mamayang gabi at magiging mandatory ang pag-report ng positibong rapid antigen test sa health department. 

  • Saad ng NSW Health na may isang lalaki sa kanyang 20s na fully vaccinated man at walang underlying conditions ang namatay dahil sa COVID-19 sa ospital.

  • Inanunsyo ng Inglatera na ang lahat ng fully vaccinated arrivals, at ang kanilang mga kasama under 18 ay pinapayagang makapasok sa bansa ng hindi kinakailangan ang negatibong PCR test mula 4am sa Enero 7. 

COVID-19 STATS:

May 34,994 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at anim na namatay, habang may 21,997 na naiulat na bagong kaso sa Victoria at anim na namatay.

May 10,332 na bagong kaso at isang namatay sa Queensland.

May 751 na bagong kaso sa Tasmania at isa ang nasa ospital. 

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita 



Quarantine and restriksyon kada estado:

Travel

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  





Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

 
 

 






Share

Published

Updated



Share this with family and friends