Key Points
- Naglathala ang TGA ng datos tungkol sa side effects ng COVID-19 vaccines
- 2.47 poryento ng kaso sa buong mundo ay mga batang edad lima pababa:WHO
- US CDC nagluwag ng patakaran sa COVID-19
Nitong Biyernes, nakapag-tala ang Australia 86 na pagkamatay dahil sa COVID-19 kabilang ang 35 mula New South Wales, 18 sa Queensland at 14 sa Victoria.
Ayon sa pamahalaan ng Australia, ang mga taong walang Medicare card ay makakakuha rin ng antiviral COVID-19 pills. Pero kailangan nilang makipag-ugnayan sa mga na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga taong mayroon at walang Medicare card.
Nakatanggap ang Therapeutic Goods Administration (TGA) ng 665 na ulat ng pagkakaroon ng myocarditis (inflammation of the heart o pamamaga ng puso) mula sa 43.4 million doses ng Comirnaty (Pfizer) doses na ibinakuna sa bansa.
Nitong ika-7 ng Agosto, 104 na ulat naman ng posibleng myocarditis mula sa 5.2 million Spikevax (Moderna) doses ang naitala
Ayon sa World Health Organization (WHO), sa pinakahuling report tungkol sa pagbabakuna ng COVID-19 sa mga bata, nakitaan ng mabilis na pagtaas ng kaso sa mga bata sa kasagsagan Omicron wave kumpara sa simula ng pandemya.
Ang pagtaas ay iniuugnay sa pinaluwag na public, health at social measures.
Ang mga batang edad lima pababa ay bumubuo sa 2.47 porsyento ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo hanang ang nasa edad 5-14 ay mayroong 10.44 persyento.
Sinabi ng WHO na walang dapat ikabahala sa phase three trial ng mRNA vaccines sa mga batang anim na buwan hanggang limang taong gulang. Pero giit nito na napaka-baba ng sample size para matukoy ang mga pambihirang insidente.
Binawasan ng US Centers for Disease Control and Prevention ang kanilang rekomendasyon sa mga Amerikanong kailangan mag-quarantine kung sila ay naging close contact ng taong positibo sa virus.
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,
Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa