COVID-19 Update: Melbourne, nanumbalik ang sigla sa pagtatapos ng lockdown; Qantas, nagbukas na ng mga international flights

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 22, 2021

Melbourne emerges from lockdown.

Melbourne has emerged from the world's longest lockdown, and as vaccination rates continue to rise. Source: AAP

  • Victoria, nagtala ng 2,189  kaso ng COVID-19 at anim ang namatay sa pagtatapos ng lockdown
  • Qantas, sisimulan na ulit ang mga international flights
  • Travel bubble sa pagitan ng Australia at Singapore, pinag-aaralan na ng gobyerno

Victoria

Nagtala ng 2,189 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at labing-anim ang naiulat na namatay, sa pagtatapos ng lockdown sa Melbourne .

Inaasahang maabot ng estado ang 80 porsyentong double vaccination rate sa Oktubre 30, mas maaga ng isang linggo sa naunang plano.

Simula Nobyembre 1, tatanggalin na ng Victoria ang quarantine requirements para sa mga Australyanong uuwi mula ibang bansa at kumpleto na ang bakuna.

Alamin kung saan may 

New South Wales

Nagtala ng 345 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales at lima ang namatay.

Naghahanda din ang mga otoridad sa posibleng paglobo ng mga kaso sa mga susunod na linggo matapos ang lockdown.

Ayon kay Premier Domic Perrottet, nakaposisyon na ang NSW sa muling pagbangon ng ekonomiya, kasunod ng pag-anunsyo ng Qantas na balik-trabaho na ang mga empleyado nito sa susunod na linggo at magdadagdag din sila ng mga international flights.

Samantala, pinag-aaralan din ng gobyerno ang travel bubble sa pagitan ng Australia at Singapore at inaasahang iaanunsyo ni Punong Minstro Scott Morisson ang pinal na desisyon sa susunod na linggo.

Alamin kung paano .  

ACT

Balita naman sa Australian Capital Territory, 13 ang naiulat na panibagong kaso at umabot na sa higit 84 porsyento ng mga residente nito na may edad dose pataas ang kumpleto na ang bakuna. 

Iba pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Queensland, walang bagong naitalang kaso pero nangngamba ang otoridad sa mababang antas ng pagbabakuna sa Logan. Isasagawa naman bukas ang Super Saturday kung saan lalahok ang 100 paaaralan para sa malawakang kampanya para mapataas ang antas ng pagbabakuna sa estado. 
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends