Key Points
- Simula Setyembre 9, mga asymptomatic na residente maaari nang tapusin ang kanilang isolation period pagkatapos ng limang araw
- Pinapayuhan pa din ang mga residenteng walang sintomas na huwag muna bumisita sa mga ospital iba pang high-risk na mga lugar pagkatapos ng limang araw na isolation
- Mga taga-Western Australia, hindi na kailangang magsuot ng mask sa mga pampublikong transportasyon
Ngayong Biyernes, umabot sa 47 ang naiulat na namatay dahil sa COVID-19, 41 dito ay sa Victoria at anim naman sa Queensland.
Nagpasya ang mga estado at teritoryo na ihinto na ang ang paglalabas ng arawang datos kaugnay sa COVID-19. Dahil dito, hindi na naglalabas ng tala ang New South Wales, South Australia, Northern Territory at Australian Capital Territory ngayong araw.
Susunod naman ang iba pang estado sa Sabado.
Binasura na ng Australia ang mandatong pagsusuot ng face mask sa mga inbound international flights, simula ngayong Biyernes (Setyembre 9).
Unang pinatupad ang mandatong ito noong Enero 2021. Dagdag pa rito, magtatapos na din ngayong araw ang pagsusuot ng face mask sa mga domestic flights
Mula ngayong araw, ang mga asymptomatic na residente na nagpositibo sa COVID-19 ay kinakailangang mag-isolate lamang ng limang araw sa halip na pito.
Para sa mga residenteng nakakaranas ng malubhang sintomas, tulad ng pananakit ng lalamunan, sipon, ubo, hirap sa paghinga, kinakailangan pa ring mag-isolate ng hanggang pitong araw simula nang magpositibo sa COVID-19.
Ngayong Biyernes, pinapayuhan din ng Australian Health Protection Principal Committee (AHPCC) ang sinumang hindi nakakaramdam ng sintomas na huwag muna bumisita sa mga ospital at iba pang high-risk na lugar hanggang pitong araw.
Kabilang sa mga high-risk na lugar ang ospital, pampublikong clinic, private health facilities, residential aged care at residential disability care facilities.
Wala namang inirekomendang pagbabago sa mga patakaran kaugnay sa mga close contact.
Mula ngayong araw, hindi na kailangang magsuot ng face mask sa pampublikong sasakyan, kabilang ang mga taxi at rideshare ang mga taga-Western Australia. Ang ibang mga estado ay inaasahang susunod din.
Alamin kung saan may long COVID clinic sa inyong lugar
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.