- Aprubado na ang Moderna COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad 6 hanggang 11 taong gulang. Kalahati lamang ng dosis ng bakuna na matatanda ang ibibigay sa mga bata. Maaari nang makuha ang bakunang ito simula Huwebes, Pebrero 24.
- Nanguna ang Therapeutic Goods Administration sa buong mundo na aprubahan ang Moderna COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad 6 hanggang 11 taong gulang. Inaasahang susunod na rin ang iba pang international regulators, ayon kay Adjunct Professor John Skerritt.
- Magluluwag ng restriksyon sa mga paaralan ang New South Wales sa darating na Lunes Pebrero 28. Papayagan nang makihalubilo ang lahat ng estudyante sa ibang antas. Papayagan na din ang mga magulang at mga bisita sa mga paaralaan.
- Hindi na kakailanganin magsuot ng mask ang mga high school sa NSW simula Lunes, Pebrero 28 at sa primary schools simula Marso 7.
- Inanunsyo din na hindi na kakailanganin sa mga paaralan sa NSW na mag- RAT test simula sa susunod na linggo. Bibigyan pa rin ng mga RAT test ang pamilya ng mga estudyanteng mangangailangan nito.
- Simula ngayong Biyernes, Pebrero 25, tatanggalin na din ang mandato na pagsusuot ng face mask sa ACT sa karamihan ng mga lugar. Kakailanganin pa rin magsuot ng mask kung nasa pampublikong sasakyan, o kung nagtatatrabaho o bibisita sa mga ospital, residential aged care facilities, correctional facilities, sa airport o kung nasa eroplano, pati na rin sa mga nagtatatrabaho at bibisita sa mga paaralan. Kakailanganin pa rin magsuot ng mask ang mga bata na nasa Year 7 hanggang Year 12 kapag nasa loob ng paaralan.
- Nilinaw naman ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk kung bakit mataas ang naiulat na bilang ng namatay. Aniya kasama sa bilang ang nakukuha nilang ulat kada linggo mula sa Department of Births, Deaths and Marriages.
Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic
I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT
Bisitahin ang para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.