COVID 19 Update: Nakapagtala ang NSW ng kauna-unahang namatay dahil sa Omicron habang pahirapan pa rin sa testing system

Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya para sa 27 Disyembre 2021.

Queues for Covid-19 tests at Bondi Beach, Sydney

Queues for Covid-19 tests at Bondi Beach, Sydney Source: AAP Image/MICK TSIKAS

  • Nagtala ng kauna-unahang kaso ng Omicron COVID-19 death.
  • Minumungkahi ng mga pamahalaan ng bawat estado na huwag munang magpunta sa mga COVID-19 testing sites at emergency departments kung hindi kinakailangan upang mabawasan ang strain sa ating healthcare system.
  • Hinihimok ng NSW Health na magpa-PCR testing para lamang sa mga may sintomas ng COVID-19 o sa mga sinabihan lamang na kailangang magpa-test.
  • Iniisip ng Victorian Government na palitan ang kasalukuyang testing regime, dahil may mga close contacts na maaaring ma-clear mula sa isolation gamit lamang ang rapid antigen testing.
  • Ngayong araw, binalik ang mandatory QR check-ins sa NSW kasabay ang mga bagong density limits sa pubs, restaurants at clubs.
  • Nag-anunsyo ng mga panibagong restriksyon ang SA Premier na si Steven Marshall gaya ng pagbabago sa mga venue densities at bilang ng bisita sa bahay.
  • Tinanggal na ng SA ang mandatory PCR tests para sa mga bagong dating sa estado.
  • Nanganganib ang The Ashes pagkatapos mag-positibo para sa virus ang apat na miyembro ng touring group ng Inglatera.
  • May mga bagong restriskyon sa UK habang naghahanap ng paraan ang Wales, Scotland at Northern Ireland na puksain ang pagtaas ng mga COVID-19 cases. Pinag-aaralan ng Inglatera na magkaroon ng ‘circuit-breaker’ lockdown.
COVID-19 STATS:

May 6,324 na locally acquired na kaso sa NSW at tatlong namatay.

Nag-rekord ng 1,999 na bagong kaso sa komunidad at tatlong namatay sa Victoria.

May 784 recorded cases sa Queensland, sa South Australia 774, at sa ACT 189.

May 35 na bagong kaso sa Tasmania

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita 



Quarantine and restriksyon kada estado:

Travel

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  






Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

 
 

 






Share

Published

Updated


Share this with family and friends