Latest

COVID-19 update: Isolation period binawasan na at mandatong pagsusuot ng face mask sa domestic flights tinanggal na

Ito ang inyong COVID-19 update ngayong ika-31 ng Agosto.

QLD COVID19 HOSPITALS TENTS

A COVID-19 testing centre at the Gold Coast University hospital in Southport. Source: AAP / JONO SEARLE/AAPIMAGE

Key Points
  • Bagong pandemic preparedness centre planong i-set up sa Victoria
  • $31.5 milyong pondo, ilalaan ng Australia para makahanap ng bagong paraan para magamot ang COVID-19
  • Bagong pag-aaral, nagpapakita na ang Paxlovid ay nakapagpababa ng panganib na maospital at pagkamatay sa mga matatanda
Binawasan na ang isolation period para sa mga timaan ng COVID-19 na walang nararamdamang sintomas. Ayon kay Punong Ministro Anthony Albanese, gagawin na lamang itong limang araw sa halip na pitong araw.

"Clearly, if you have symptoms, we want people to stay home."

"We want people to act responsibly. Seven days isolation will remain for workers in high-risk settings, including aged care, disability care, and home care," dagdag pa nito.

Tatanggalin na rin ang mandato na pagsusuot ng face mask sa mga domestic flights sa eroplano na ipapatupad simula Setyembre 9.

Ngayong Miyerkules, umabot sa 65 ang naiulat na namatay dahil sa COVID-19, 26 dito ay naiulat sa Victoria, 22 sa New South Wales at 10 sa Queensland.

Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa


Maglalaan naman $75 milyong pondo ang Victoria para pagpapatayo ng bagong pandemic preparedness centre sa University of Melbourne.

Magdo-donate ng $250 milyon ang Canadian philanthropist at negosyanteng Geoffrey Cumming para sa itatayong centre. Ito umano ang pinakamalaking donasyon na naimbag ng isang philanthropist sa Australian medical research.


Magbibigay ng $31.5 milyong pondo ang Australia sa mga mananaliksik para makahanap ng bagong paraan para magamot ang COVID-19 at mainitindihan ang pangmatagalang epekto ng sakit.

Sa ngayon, lumampas na sa 10 milyon ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Australia. Simula pa noong alas tres ng hapon, ika-30 ng Agosto 2022, umabot na sa 10,018,025 ang naitalang kaso at 13,834 naman ang naiulat na namatay.

Samantala, lumabas sa bagong pag-aaral na inilathala ng New England Journal of Medicine na nakatulong ang antiviral pill na tinawag na Paxlovid para maibaba ng 73 porsyento ang panganib na maospital at 79 porsyento naman na mamatay, para sa mga taong may edad 65 pataas.


Alamin kung saan ang mga COVID-19 testing clinic sa inyong lugar

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.


Bago kayo bumyahe patungong ibang bansa,

Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa

Share
Published 31 August 2022 4:27pm
Updated 1 September 2022 10:38am
Source: SBS


Share this with family and friends