COVID-19 Update: Queensland tatanggalin na ang close contact isolation simula ngayong linggo

Narito ang pinakahuling COVID-19 update sa Australia ngayong ika-25 ng Abril.

Queensland to ease isolation requirement for close contacts and quarantine requirements for unvaccinated travellers from 28 April. (file)

Queensland to ease isolation requirements for close contacts of COVID-19 cases and quarantine requirements for unvaccinated travellers from 28 April. (file) Source: AAP Image/Russell Freeman)

Nagtala ng mas mababang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 at bilang ng nasawi sa Australia ngayong araw. Ang New South Wales at Victoria nagtala ng apat na nasawi habang ang Queensland naman ay nagtala ng dalawang nasawi. 

Tignan ang pinakahuling COVID-19 trends tungkol sa mga bagong kaso, bilang ng mga naospital at nasawi sa australia .

l, ang mga residente ng Queensland ay di na inaasahang magquarantine sa kondisyong:

  • wala na silang simtomas ng COVID-19
  • nag-test ng negatibo sa bawat ikalawang araw ng linggo mula sila ay maging close contact (ika 0, 2, 4 at 6 na araw)
  • magsuot ng mask sa labas ng bahay sa loob ng pitong araw
  • hindi bibisita sa mga vulnerable na lugar tulad ng mga ospital, residential aged care facilities, disability accommodation services, corrective services facilities at detention centres sa loob ng pitong araw
  • ipaalam sa kanilang mga employer na sila ay naging close contact at magtrabaho mula sa bahay kung maari
Sa ika-30 ng Abril, maaring sumunod ang South Australia sa pagtanggal ng close contact isolation matapos ang QLD, ACT, NSW at VIC.

Tinigil narin ng NSW ang pagsasagawa ng pampublikong anunsyo tungkol sa COVID-19 at statistics mula ngayong araw. Ito ay maaring simula ng pagbalik sa dating lagay ng estado bago ang COVID-19.

Sinuportahan naman ng (WHO) ang oral pill (nirmatrelvir and ritonavir) Paxlovoid ng Pfizer para sa mga may katamtamang simtomas ng COVID-19 na maaring maospital. Ayon sa WHO, ito na maari ang pinaka-angkop na paraan para sa mga high-risk na pasyente.

Sisimulang isapubliko ng gobyerno ang Paxlovoid mula ika-1 ng Mayo sa ilalim ng Pharmaceutical Benefits Scheme (PBS).


Share
Published 25 April 2022 2:00pm
Updated 25 April 2022 2:57pm
Presented by David Joshua Delos Reyes


Share this with family and friends