COVID-19 Update: Travel ban sa South Africa, hindi muna ipapatupad sa kabila ng pag-usbong ng bagong COVID-19 variant

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong ika-26 ng Nobyembre 2021.

Travel Ban

Some European countries have banned travel from some African countries but Australia is not taking the drastic step yet. Source: AAP

  • Nagpasya ang otoridad na hindi muna magpapatupad ng travel ban sa South Africa sa ngayon, matapos maiulat na mayroong bagong COVID-19 variant na kumakalat doon. Sinasabing mas mapanganib at maaaring walang panama ang bakuna laban sa bagong variant na tinatawag na Mu, o B.1.621.
  • Permit system para sa mga babyahe interstate, tinapos na ng Victoria
  • Dagdag na Dine & Discover vouchers sa NSW pwede na ma-claim simula ngayong araw at extended ito hanggang Hunyo 30, 2022.
  • Nanindigan naman ang Queensland na hindi magbubukas ang estado kahit maabot na ang 80 porsyentong vaccination target. Ito'y para maprotektahan ang mga batang may edad 12 pababa at ang natitirang 20 porsyento na hindi pa bakunado 
  • Dismayado ang Amnesty International Australia sa Amnesty Internal UK sa pagpapakalat umano ng maling impormasyon kaugnay sa relief work na isinagawa ng Australian Defencew Forces sa Northern Territory.
COVID-19 STATS

Victoria: Nagtala ng 1,362 na panibagong kaso at pito ang naiulat na namatay

NSW: Nagtala ng 261 na panibagong community cases

ACT: May naitalang walong bagong kaso


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends