COVID-19 Update: 'New normal' unti-unti nang nararamdaman sa Victoria at Queensland

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 22 Pebrero 2022.

Mhudumu ndani ya mgahawa anayevaa barakoa, akizungumza kwa simu

Masharti ya uvaaji wa barakoa yanabadilika nchini Australia. Sheria tofauti zita tumiwa katika majimbo na wilaya tofauti. Source: Getty Images / andresr E+

  • Simula Marso 4, Biyernes, alas sais ng gabi, hindi na kakailanganing magsuot ng face mask sa Queensland, maliban na lang kung nasa ospital, residential aged care, disability accommodation, kulungan, airport, mga pampublikong sasakyan at eroplano. Tatanggalin na rin ang density limits sa estado.
  • Simula Marso, ititigil na rin ang mga COVID-19 press conference sa Queensland
  • Sa Victoria, tinanggal na ng gobyerno ang mandato na magtrabaho o mag-aral sa bahay na sisimulan sa Pebrero 25, Biyernes 11.59pm. Hindi na rin kakailanganing magsuot ng mask sa karamihan ng mga lugar, maliban na lang kung nasa pampublikong sasakyan, taxi, rideshare, eroplano, airport, ospital at mga care facilities. 
  • Sa mga paaralan sa Victoria, gagawing optional ang pagsusuot ng mask sa secondary level. Kakailanganin pa rin magsuot ng mask ang mga estudyante na nasa Year 3 at mga nagtatrabaho sa chidhood centres at primary schools. Ito ay dahil sa mababang antas ng nagpapabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11. 
  • Kinakailangan pa din magsuot ng face mask ang mga nagtatrabaho sa hospitality at retail venues, sa mga korte at correctional facilities.
  • Simula sa susunod na linggo, ibabalik na ang lahat ng surgery sa mga ospital. 
  • Ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt, bumaba na ng 90 porsyento ang bilang ng kaso ng COVID-19 simula ng pagbugso ng Omicron variant. 
  • Kulang sa kalahati ang binaba ng bilang ng mga naoospital, bunsod na rin ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng tinamaan ng COVID-19. 

 

RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo

 

 


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 22 February 2022 5:49pm
Updated 23 February 2022 10:21am
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends