Pumalo sa 1,965 impeksyon ang naitala sa Victoria, NSW premier nagbabala ng paglobo ng mga kaso

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 9, 2021

Victoria COVID-19 cases

Healthcare worker is seen working at a drive-through Covid19 testing facility in Melbourne. Source: AAP

  • NSW malapit nang maabot ang 90 porsyentong vaccination target ngunit premier nagbabala ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa napipintong pagluwag ng mga restriksyon
  • Mildura, Victoria sinailalim sa lockdown
  • Imbestigasyon sa NSW nagpapatuloy matapos madiskubre ang bagong strain ng Delta variant

Victoria

Pumalo sa 1,965 ang naitalang panibagong impeksyon sa Victoria habang lima ang namatay mula sa coronavirus.

Tumatayo sa 17,000 ang active cases ng estado habang 538 katao ang ginagamot sa ospital,117 ang nasa icu at 83 katao ang naka-ventilator.

Isinailalim sa pitong araw na lockdown ang bayan ng Mildura.

57 porsyento ng mga taga-Victoria ang bakunado ng dalawang dose habang 85 porsyento ang nakatanggap ng kanilang unang dose.

New South Wales

Nakapagtala ang New South Wales ng 580 panibagong bilang ng COVID-19 at 11 kamatayan habang papalapit na ang estado sa 90 porsyentong first dose vaccination target. 182 katao ang nagpapagaling sa ospital ar 163 ang nasa intensive care.

Nagbabala si Premier Dominic Perrottet na maaring tumaas ang bilang ng virus at pasyente sa ospital dahil sa napipintong pagluwag ng mga restriksyon sa Lunes.

Isinasagawa din ang mga imbestigasyon sa isang bagong strain ng Delta variant na konektado sa isang tao na bumalik mula sa ibang bansa.

Alamin kung paano .  

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Walang naitalang kaso ng COVID-19 sa Queensland.
  • ACT nagtala ng 25 panibagong kaso ng virus, 12 ang konektado habang iniimbestigahan ang ibang kaso.
  • Mag-aalok ng pangatlong bakuna para sa mga Australyanong may severely compromised immune system upang mapalakas ang proteksyon laban sa virus.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Claudette Centeno-Calixto
Source: SBS


Share this with family and friends