Dating Pangulong Rodrigo Duterte, arestado matapos ihain ang ICC warrant

Ayon sa ICC, nahararap ang 79-anyos na si Duterte sa kasong “crime against humanity of murder."

Former Philippine President Rodrigo Duterte

Former Philippine President Rodrigo Duterte (2-L) returns after a break during a joint committee hearing of the House of Representatives (HOR) in Quezon City, Metro Manila, Philippines, 13 November 2024 Source: EPA / ROLEX DELA PENA/EPA/AAP Image

PAKINGGAN ANG ULAT:
March 12 news image

Mga balita ngayong ika-12 ng Marso 2025

SBS Filipino

12/03/202507:20
Arestado si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Maynila ng pulisya sa inihaing warrant mula International Criminal Court (ICC) kaugnay sa war on drugs.

Ayon sa ICC, nahararap ang 79-anyos na si Duterte sa kasong “crime against humanity of murder” na tinatantiya ng mga human rights group na pagkitil sa buhay ng libu-libong kalalakihan na karamiha’y mahihirap at nauugnay sa iligal na droga nang walang ebidensya.

Sa naging pahayag ng Presidential Communications Office, sinabi nitong ‘madaling araw natanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).’

‘Ika-9:20 ng umaga ngayong araw, 11 Marso 2025, ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo ay dumating sa Maynila mula Hong Kong sakay ng Cathay Pacific CX 907.’

Dito na inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan.
Dagdag pa sa pahayag na nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulan.

‘Ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno. Sinigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.’

Iginiit din sa pahayag na ‘ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera.’

Sinabi naman ng dating chief presidential legal counsel na si Salvador Panelo na isa itong "unlawful arrest."

Hindi anya hinayaang magkaroon ang dating pangulo ng legal representation matapos na hindi payagan ang mga abogado nito na makausap siya sa NAIA.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily. 

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and  

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share
Published 11 March 2025 4:17pm
Updated 12 March 2025 1:21pm
By AFP - SBS Wires
Source: SBS

Share this with family and friends