Habang pangkaraniwang ang mga putahe na ito para sa iba, maaring pandirihan ng ibang tao ang mga pagkaing Pilipino na ito:
1. Kamaru

Crickets are the main ingredient of Kamaru, a Kapampangan favourite. Source: Getty Images
Isang putahe mula Pampanga, ang kamaru ay gawa sa kuliglig. Ang mga insekto ay binababad sa tubig o suka upang matanggal ang putik na nilalaman nila. Tinatanggal din ang mga binti ng mga ito. Niluluto ang mga kuliglig ng adobo-style.
2. Tamilok

The tamilok is also known as a "woodworm"; however, it is actually a mollusk like squid and scallops. Source: Nikki Alfonso-Gregorio
Natatagpuan sa mga bakawan ng Palawan, ibinabaon ng tamilok o woodworm ang kanyan sarili mga kahoy upang maproteksyunan nito ang kanyang sarili at upang makakain ito. Ang lasa ng tamilok ay malapit sa lasa ng talaba, at gaya ng talaba, kinakain ito ng hilaw o kinikilaw ito.
3. Gotong Batangas

Gotong Batangas is made up of a myriad of beef innards, including tripe. Source: Getty Images
Habang ang goto para sa karamihan sa atin ay masabaw na kanin na may goto, ang Gotong Batangas ay walang kanin. Maliban sa goto ng baka, may ibang lamang loob na dinadagdag sa putaheng ito - gaya ng bituka at puso.
4. Pinikpikan

In Pinikpikan, a live chicken is beaten before it is killed and cooked in an open fire. Source: Wikimedia/Shubert Ciencia CC BY 2.0
Hindi man nakakatakot ang pangalan ng putahe o ang putahe mismo; para sa mga aktibista para sa karapatan ng mga hayop at mga hindi taga-Cordillera, ang nakakagimbal na aspeto ng pinikpikan ay ang proceso ng paggawa nito.
Sa tradisyunal na paggawa ng pinikpikan, binubugbog ng patpat ang buhay na manok bago ito patayin at lutuin. Ginagawa ang prosesong ito upang mamuo ang dugo sa katawan ng manok - lalo na sa pakpak at leeg.
5. Abuos or buos

Ant eggs have a distinct creamy texture. Source: Getty Images
Ang Abuos o buos ay isang seasonal na putahe mula Adams, Ilocos Norte. Gawa sa langgam at itlog ng langgam, ang putaheng ito ay hinahaluan ng sibuyas, bawang at kamatis. Malalaman mong tapos ng lutuin ang putahe kapag lumiit na ang itlog at naging transparent na ito.
BASAHIN DIN