Flood relief: Paano mag-claim ng Disaster Recovery Payment

May mga tulong pinansyal na ipinamamahagi ang gobyerno para sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Queensland at New South Wales. Narito ang mga hakbang kung paano makakakuha ng Disaster Recovery Payment.

People watch on as debris carried by floodwater in the swollen Hawkesbury river in Sydney.

People watch on as debris carried by floodwater in the swollen Hawkesbury river in Sydney. Source: AAP

Maaaring makatanggap ng lump-sum na $1,000 kada tao (tig-isang libo naman ang makukuha kung mag-asawa) at $400 sa bawat isang dependent children. Tumungo lamang sa para mag-claim. 

Inilunsad ng gobyerno ang para matulungan ang mga indibidwal at pamilyang apektado ng mga kalamidad, na maaaring gamitin ng mga nasalanta ng bagyo o pagbaha para makabili ng pagkain, damit o para makakuha ng pansamantalang tirahan.

Sa kabila ng pagsisikap ng mga residente na makapaglinis matapos ang mga pagbaha at malakas na pag-ulan sa Queensland at New South Wales, maaaring abutin pa ng ilang buwan o taon bago tuluyang makabangon ang mga residente.

Maaari kang mag-claim ng Disaster Recovery Payment, kung ikaw ay lubhang naapektuhan ng pagbaha, kung may kapamilya kang namatay o nawawala dahil sa pagbaha; at nagtamo ng malaking sira ang inyong bahay.

Paano masabing lubha napinsala ng iyong bahay?

  • Kung ito ay nasira at kailangang i-demolish
  • Kung naideklarang hindi na maayos ang istruktura ng iyong bahay
  • Kung nagkaroon ng malaking pinsala ang inyong bahay
  • Kung pinasok ng tubig-baha at lubhang nasira ang inyong mga gamit sa bahay 
  • Kung napasok ang sewage sa loob ng bahay
  • Kung malaki ang sira o damage sa inyong mga ari-arian
 Maaring mag-claim hanggang Agosto 28 ang mga residente ng Queensland, at hanggang Setyembre 1 naman para sa mga residente ng NSW.

Para maging kwalipikado sa pag-claim, dapat ay nakatira ka sa isa sa  o kabilang sa .

Narito ang sunod-sunod na hakbang kung paano makakuha ng claim

1. Mag-sign in sa myGov at piliin ang Centrelink sa iyong mga naka-link na serbisyo. Kailangan mong tiyakin na ang Centrelink ay naka-link sa iyong myGov account sa pamamagitan ng paggamit ng Centrelink Customer Reference Number (CRN) o kung wala kang CRN, maaari mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga opisyal na dokumento.

2.I-click ang  “Make a Claim or View Claim Status”

3.  I-scroll ang “Help in an Emergency” at i-click ang Get Started”

4. I-click ang “Apply for Disaster Recovery Payment”

5. I-click ang "Begin"

6. Sagutin ang ilang mga katanungan, ihanda ang inyong litrato, dokumento o ebidensya na magpapatunay na napinsala ng tubig baha ang inyong mga kagamitan o ari-arian. 

7. I-click ang "Submit" para maproseso ang claim. 

8. Maaari mong i-click ang button na “Make a Claim or View Claim Status” mula sa landing page ng Centrelink ng myGov website upang makita kung naproseso na iyong aplikasyon.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang  website.

Share
Published 9 March 2022 1:28pm
By Shirley Glaister


Share this with family and friends