May dalawang klase ng immunity ang mga bata ayon sa pangunahing may-akda ng pag-aaral na si Tri Phan.
Ang una ay innate (natural) o likas.
Ito ang unang linya ng depensa kabilang ang mga pisikal na humaharang gaya ng balat at mucosal surface na karaniwang malakas sa mga bata at naglalabas ng kemikal na tinatawag na interferon na papatay sa mga virus at bacteria.
Ayon kay Prof Phan, isa ito sa mga dahilan kung bakit karamihan ng mga bata na walang kaakibat na medikal na kondisyon ay naiuulat na nakararanas lamang ng mga mahinang sintomas at nakakarekober agad mula sa impkesyon ng COVID-19 kumpara sa mga matatanda.
Pero saad nitong ang innate immunity ay humihina habang tumatanda.
Professor Tri Phan. Credit: Garvan Institute of Medical Research
Naglalabas ang B cells ng antibodies at ang T cells naman ay sinusugpo ang mga cells na tinamaan na ng virus para maiwasang magreplika ito sa loob ng katawan.
“Ang innate immune system sa mga bata ay mabilis at malakas kaya napapatay nito ang mga virus agad. Hindi nito nabibigyan ng pagkakataon ang B at T cells na ma-develop o mapag-ibayo ang adaptive memory nito,” saad ni Prof Phan sa SBS.
Kapag muling nagkaroon ng COVID ang mga bata, hindi maaalala ng katawan ng mga ito ang virus at tinuturing itong bagong bantaLead author Professor Tri Phan
“May panganib na magkasakit ang mga bata sakaling magkaroon muli ng impeksyon kaya mahalagang mabakunahan ang mga bata,” dagdag ni Prof Phan.
Panganib ng muling maimpeksyon
Ayon kay Professor Brenda McMullan na isang paediatric infectious diseases specialist at microbiologist, maari ding muling maimpeksyon ang mga bata sa mga bagong variant.
“Mayroong mga bakuna para sa lahat edad limang taon pataas, gayundin sa mga bata na anim na buwan hanggang bago mag-limang taong gulang na may mas malaking panganib ng matinding sakit,” banggit ni Prof McMullan.
Base sa tala ng Kagawaran ng Kalusugan, mahigit 2.2 milyong mga batang Australyano, kabilang ang aabot sa kalahating milyong bilang ng mga edad lima pababa, ay naiulat ang muling impeksyon ng coronavirus, at 24 ang nasawi ng magsimula ang pandemya.
Subalit hindi inililista ng gobyerno ang mga impormasyon ng mga muling nagkakaroon ng impeksyon.
Pero sinasabing ang panganib na muling maimpeksyon ay nakadepende sa iba’t ibang kadahilanan gaya ng edad, dating impeksyon, variant, immunity ng indibidwal at bakuna.
“Ilang pag-aaral ang nagsasabing ang mga bata ay may mas mababang panganib na muling maimpeksyon ng SARS-CoV-2 kumpara sa mga adult o matanda.”
“Bagaman kailangan ng mas maiging pananaliksik kaugnay sa muling pagkakaroon ng impeksyon ng COVID-19 sa iba’t ibang grupo ng edad, kabilang ang pag-aaral sa epekto ng humihinang immunity at magkakaibang strain o bugso ng pagkalat."
Lumabas sa isang bagong pag-aaral na inilathala ng JAMA Network Open na ang COVID-19 ang pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga bata mula sa nakakahawang sakit sa pagitan ng Agosto 2021 hanggang Hulyo 2022 sa Estados Unidos.
“Ang COVID-19 ang pinagbabatayang sanhi ng pagkasawi ng mahigit 940,000 na katao sa Estados Unidos, kabilang ang mahigit 1,300 na namatay na mga bata edad 0-19,” ayon sa nasabing pag-aaral.
Nagiging kampante
Sinabi ni Prof Phan na ang paniwala na ang mga bata ay makakakuha ng mas mahinang sintomas at mabilis na gagaling mula sa COVID-19 ay nagbubunsod ng pagiging kampante ng mga magulang.
Base sa pinakahuling tala ng kagarawan, 51% ng mga bata edad lima hanggang 15 ay nakatanggap na ng dalawang dosis ng bakuna.
Malaking bagay ani Prof Phan na mabakunahan ang mga bata lalo’t lumalabas sa mga pag-aaral na ang hybrid immunity (mula sa impeksyon at bakuna) ay mas mabisang proteksyon mula sa malalang sakit at pagkakaospital dahil sa COVID.
Makakaasa kayo na ihahatid ng SBS sa multikultural na komunidad ang lahat ng napapanahong update at balita kaugnay sa COVID-19. Maging maalam at maingat, bisitahin ang