*Bagama't sinisikap naming makapaghatid ng napapanahon at eksaktong impormasyon, maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa mga patakarang nakalista dito at sa mga opisyal na website ng mga estado at teritoryo. Ito'y dahilan sa agarang banta, pabago-bagong epekto ng COVID-19 at biglaang abiso mula sa mga estado at teritoryo. Hangga't maaari, susubukin naming magbigay ng mga update kaugnay sa mga bagong patakaran na iaanunsyo, ngunit maaaring magkaroon ng ilang pagka-antala sa paghahatid ng pinakabagong impormasyon. Maaari ring bisitahin ang opisyal na website ng mga estado at teritoryo bago umaksyon o magdesisyon.
Kung ikaw ay may nararamdamang sintomas na nabanggit sa baba, mangyaring tumawag sa emergency services sa numerong 000 at sabihin sa operator na na-diagnose ka na ng sakit na COVID-19.
- matinding pagkakapos ng hininga o lubhang hirap sa paghinga
- malubhang pananakit ng dibdib
- bago o pabalik-balik na lagnat
- lumalalang kakayahan sa pag-concentrate at matinding pagkalito
- hirap makabangon
Kung may iba ka pang nararamdamang sintomas matapos maka-recover sa COVID-19, kumonsulta sa iyong GP o iba pang health provider (source: Healthdirect)
Makakaasa kayo na ihahatid ng SBS sa multikultural na komunidad ang lahat ng napapanahong update at balita kaugnay sa COVID-19. Maging maalam at maingat, bisitahin ang .