Naglabas ng babala ang Bureau of Metereology sa
Inaasahang maaapektuhan ang mga lugar mula sa hilaga ng Newcastle hanggang sa border ng Victoria.
Asahan ang malalakas na hangin sa katimugang lugar ng estado sa umaga. Hihinto ang mga pag-ulan pero maaaring magdulot ang malakas na hangin ng matataas na alon na hanggang anim na metro.
Sa nakaraang 24 oras, may nararanasang pagbugso ng malakas na hangin sa Sydney airport na umabot sa 94 km/h at 111 km/h naman sa Molineux Point.
Itinaas din ang severe weather warning at maaaring magkaroon ng thunderstorms sa ilang bahagi ng Queensland at North Eastern New South Wales Miyerkules ng hapon na posibleng tumagal pa hanggang bukas. Maaari dinng makaranas ng malakas na pagbuhos ng ulan, malakas na hangin at malalaking hail (na aabot sa 5cm na diameter).
Inabisuhan ng State Emergency Service (SES) ang ilang mga residente na lumikas sa mga lugar na apektado ng mga pagbaha sa estado. Dagdag nito, kung magpapatuloy pa ang malakas na ulan, maaaring ma-isolate ang kanilang lugar.
Babala din ng SES na kung hindi lilikas, maaaring ma-trap ang mga residente at mahirapan ang mga ito sakaling mawalan ng kuryente, tubig, at iba pang serbisyo. Maaari ding mahirapan na ma-rescue ang mga ito kung sakaling lumala pa ang sitwasyon.
Paalala ng mga otoridad, manatili sa bahay at umiwas sa tubig-baha. Manatili pansamantala sa bahay ng mga kapamilya o kaibigan. Kung walang ibang mapupuntahan, narito ang listahan ng mga na pwedeng puntahan.

Source: NSW Multicultural Health Communication Service
Kung kinakailangang lumabas ng bahay, narito ang paalala ng State Emergency Service:
- Isama ang mga alagang hayop at magdala ng mga kakailanganing bagay, extrang damit, gamot, insurance documents at iba pang mahahalagang bagay o dokumento.
- Dalhin sa ibang lugar ang mga personal na gamit
- Lumikas ng mas maaga para maiwasan ang malalang trapik sa daan
- Magdala ng inuming tubig at pagkain sakaling mas mahaba ang inyong byahe
- Ipaalam sa mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay ang iyong plano.
Para sa mga nangangailangan ng tulong na non-life threatening emergency dulot ng pagbaha o bagyo, maaring tumawag sa SES Assistance 132 500 pero kung ang sitwasyon ay mapanganib o life threatening, maaring tumawag sa Triple Zero (000)