Explainer

Paano makilahok sa Anzac Day?

Ang Anzac Day ay nagbibigay-pugay sa mga beterano ng Australia at New Zealand, kabilang ang marami mula sa mga First Nations mga may ibang kultura o may iba't ibang pinagmulan. Narito kung paano ka makilahok sa pagpaparangal.

SG ANZAC DAY - Lest We Forget

Nakasulat sa kalangitan ang "Lest We Forget" gamit ang usok habang nag-eensayo ng boksing ang dalawang tao sa Breakfast Point Village Green nang madaling-araw ng Anzac Day sa Sydney, Sabado, Abril 25, 2020. Source: AAP / STEVEN SAPHORE/AAPIMAGE

Tuwing ika-25 ng Abril taun-taon, ginugunita ng mga Australyano ang Anzac Day. Unang ipinagdiwang ito upang bigyang pugay ang mga kasapi ng Australian at New Zealand Army Corps (ANZAC) na nakipaglaban sa Gallipoli noong 1915 sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Ngayon, ang paggunita ay para sa lahat ng mga Australyano na naglingkod at namatay sa digmaan at mga operasyong militar.
SG ANZAC DAY
Inilalagay ang mga wreathe sa Cenotaph sa panahon ng Anzac Day Dawn Service sa Martin Place sa Sydney, Lunes, Abril 25, 2022. Source: AAP / BIANCA DE MARCHI/AAPIMAGE

Makilahok sa Dawn Service sa inyong lugar

Sa Anzac Day, idinaos ang mga Dawn Services sa buong bansa. Nagsisimula ito ng mga bandang 4:30 ng umaga, na siyang oras ng pagtungo sa Gallipoli. Ang oras ng simula ay maaaring mag-iba sa ilang kabisera ng Australia.

Ito ay isang seremonya upang alalahanin ang mga namatay o nagdusa sa lahat ng mga digmaan na nilahukan ng Australia.

Karaniwan itong sinusundan ng Gunfire Breakfast sa mga RSL Club (Returned and Services League), na binubuo ng simpleng BBQ na may mga sausage, tinapay, itlog at kung minsan ay kape at rum.

Ang pangalang Gunfire Breakfast ay nagmula sa almusal na kinakain ng mga sundalo bago ang isang labanan.

SG ANZAC DAY
Nagmamartsa ang mga kababaihan na dala ang mga litrato ng kanilang mga kamag-anak sa Anzac Day parade sa Sydney, Australia, Linggo, Abril 25, 2021. Source: AP / Mark Baker/AP/AAP Image

Ang Anzac Day March sa inyong lugar

Sa hapon naman, idinaos din ang mga parada ng mga beterano sa buong bansa.

"Ang mga beteranong nakaligtas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay napakakaunti na ngayon at ang mga natitira ay nasa kanilang 90s na. Pero siyempre, mayroong mga beterano mula sa mga sumunod na digmaan tulad ng Korea at Vietnam, at mas kakatapos lang na gulo ng mga bansa tulad ng Somalia, Afghanistan, at Iraq kung saan naglingkod ang mga sundalong Australyano, mandirigma sa dagat, at mga piloto," paliwanag ni Brian Dawson, Assistant Director National Collection sa Australian War Memorial

"Mayroon din mga overseas contingents, na nakipaglaban sa ibang mga digmaan at pumunta sa Australya.".
SG ANZAC DAY
Isang beteranong nakipagsabayan ng tawanan sa kanyang apo na babae (R) sa Sydney noong Abril 25, 2016 sa panahon ng Anzac parade upang gunitain ang ika-100 taon ng pagtuntong sa Gallipoli. Source: AFP / PETER PARKS/AFP via Getty Images

Saan lugar pumunta?

Ang bawat kabisera ng bansa ay may pangunahing Dawn Service at Anzac Day March. Sa Canberra, ginaganap ang mga pagpaparangal sa .. Sa Sydney, ito ay sa   at sa Melbourne, sa  .

Ang mga Dawn Services, Gunfire Breakfasts at marches ay inoorganisa ng RSL Australia, kaya ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung ano ang nangyayari sa iyong lugar ay makipag-ugnayan sa lokal na

Sa buoang araw, karaniwan nang nagtatapos ang mga beterano at kanilang mga pamilya sa kanilang lokal na RSL. Ito ay magandang lugar upang maglaro ng two-up, isang laro ng pagsusugal na legal lamang na laruin sa Araw ng Anzac.

Ito ay simpleng laro kung saan itinatapon ang mga barya at nagtatakda ng mga pusta kung ito ay lalapag sa ulo o buntot. Ang premyo ay nanggagaling sa lahat ng pinuhunan ng mga manlalaro.
SG ANZAC Day - poppies
CANBERRA, AUSTRALIA - ABRIL 25: Ang mga poppy ay inilagay malapit sa mga pangalan ng mga taong namatay sa Roll of Honour para sa World War II sa panahon ng ANZAC dawn service sa Australian War Memorial noong Abril 25, 2009 sa Canberra, Australia. Credit: Mark Nolan/Getty Images

Ang mga simbolo ng Anzac Day

Mayroong ilang mga simbolo na nauugnay sa Anzac Day. Sa araw na ito, ang mga tao ay nagsusuot ng damit na may tangkay ng rosemary, isang halamang gulay na tumutubo Gallipoli peninsula.

Mayroon ding ilang tao na nagtatanim ng lone pine at Gallipoli rose matapos na magdala ng mga buto ang mga sundalong naglingkod sa rehiyon ng Gallipoli.

Ang pulang poppy ay isang bulaklak na katutubo ng Europa na namumukadkad sa mga labanan matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ay naging isang simbolo ng pagpapahalaga sa mga Australian soldiers na nagbuwis ng buhay.
Ang "Ode of Remembrance" ay isang tula na karaniwang binabanggit sa mga serbisyo ng Anzac Day upang gunitain ang sakripisyo sa digmaan. Kasama ng Australian War Memorial, nakapag-record ang SBS ng mga pagsasalin ng Ode of Remembrance sa 45 iba't ibang wika.

Ang Anzac biscuit ay isa pang simbolo ng pag-alala.
SG ANZAC DAY - Anzac Biscuits
Ang Anzac buscuit at hiwa ng tanglad ng rosemary sa rack. Source: iStockphoto / Tim Allen/Getty Images/iStockphoto

Anzac biscuits

Ang ay isang matamis na biskwit na popular sa Australia at New Zealand, na gawa sa rolled oats, harina, asukal, mantikilya, golden syrup, baking soda, mainit na tubig, at (optional) desiccated coconut.

Naniniwala ang mga tao na ang mga biskwit na ito ay ipinadadala ng mga asawa at grupo ng kababaihan sa mga sundalong nasa ibang bansa dahil hindi ito madaling masira, at hindi ito madaling nababasag sa matagal na byahe ng barko.
SG ANZAC DAY - parade crowd
SYDNEY, AUSTRALIA - APRIL 25: Ipinamalas ng mga medalyang pangserbisyo ang mga beterano ng digmaan, mga defence personnel, at mga babaeng balo sa kanilang pagdaan sa kalsada ng Elizabeth sa panahon ng ANZAC Day parade noong Abril 25, 2022 sa Sydney, Australia. Ang ANZAC Day ay isang pambansang holiday sa Australia, tradisyunal na sinasalubong sa pamamagitan ng dawn service sa panahon ng orihinal na pagtatangka sa Gallipoli at ginugunita sa mga seremonya at parada sa buong araw. Nagbabalik-tanaw ang ANZAC Day sa araw ng pagtatagpo ng mga Australian at New Zealand Army Corp (ANZAC) sa baybayin ng Gallipoli noong Abril 25, 1915, sa panahon ng World War 1. (Photo by Brendon Thorne/Getty Images) Credit: Brendon Thorne/Getty Images

Dagdag kaalaman sa Anzac Day

Ang   ay mayroong higit pang impormasyon tungkol sa Anzac Day at kasaysayan ng militar ng Australia. Maaari rin po kayong  , sa Canberra. May ilang mga eksibit na nakasalin sa ilang wika.

Share
Published 24 April 2023 4:21pm
By SBS
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends