Pinoy favourites: Tsokolate

Walang duda na ang tsokolate ay isang paboritong inuming Pinoy. Habang hindi maitatanggi na mahal ng mga Pilipino ang mga tsokolate na na-import, nakuha ng lokal na treat mula sa Pilipinas ang mga puso ng mga tao sa buong mundo dahil sa mapait, malakas ngunit matamis na lasa nito. Ang paghigop ng mainit na inuming ito ay siguradong papawi sa iyong matamis na pananabik at magdadala sa iyo pabalik sa Pilipinas. Habang mayroong iba't-ibang paraan ng paggawa ng mainit na tsokolate depende sa iyong kagustuhan, maraming mga choco-lovers ang pumipiling gawin ito sa tradisyonal na paraan sa pamamagitan ng paggamit ng batirol.

Hot tsokolate by Claudette

Hot tsokolate by Claudette Source: Hot tsokolate by Claudette

Ang Heobroma cacao, isa sa pinakalumang nilinang na halaman, ay isang maliit (4-8 metro ang taas) at pangmatagalang halaman na nagmula sa Amazon basin hanggang sa malayong hilaga ng Mexico. Ayon sa mga kasaysayang paliwanag, unang dinala ang cacao sa labas ng Amerika noong 1670 mula Acapulco, Mexico papuntang Pilipinas sakay ng Manila galleons. Ang unang cacao na tinanim sa Pilipinas ay isang purong Criollo, isang pambihira at pinaka mamahalin na klase ng cacao ngayon. Dahil ang cocoa belt ay nakapwesto humigit-kumulang 20 digri  ng equator, perpektong lugar ang Pilipinas sa pagpapa-tubo ng cacao.

Sa panahon ng kolonisasyon ng Espansyol, nagsimulang magpatubo ang mga Pilipino ng mga puno ng cacao, una sa Laguna, Cebu at Bohol at hindi nagtagal, nagsimulang gumawa at uminom ng sariling klase ng mainit na tsokolate na kilala bilang tsokolate, na gawa mula sa mga disc o tableta ng giniling na cocoa nibs at nilagyan ng asukal na kilala bilang tablea o sikwate

Ang tablea, isang Espanyol na salita na ang ibig sabihin ay “tablets”  sa Ingles ay gawa mula sa tuyong lokal na cocoa beans na sinangag ng ilang oras bago giniling sa isang masaganang masa ng tsokolate. Agad na ginagawa ang tablea sa pamamagitan ng paglagay ng asukal sa masa at paghulma nito sa isang bola o tabletas.
tablea
tablea Source: tablea
Dahil sa mahabang kasaysayan nito sa Pilipinas, naging mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang tablea. Ang produksyon ng tablea ay naging isang importanteng parte ng ating pamana at ang ugali ng paggawa ng tsokolate mula sa tablea gamit ang isang gawa sa kahoy na panghalo na tinatawag na batirol ay isang tradisyon na ipinasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.
Silver pot and batirol
Silver pot and batirol Source: Nikki Gregorio
Tradisyonal na hinahanda ang tsokolate sa isang yari sa pilak na palayok gamit ang batirol bilang panghalo sa inumin. Ang batirol ay isang tradisyonal na kasangkapang gawa sa kahoy na ginagamit panghalo sa inumin bago hinahanda dahil maaring lumubog sa ilalim ng palayok ang ilang piraso ng tablea. Ginagamit ito sa pamamagitan ng paghawak ng handle sa pagitan ng mga palad, sunod ay ang sabay na pagkuskos  ng mga palad. Ang paraan na ito ay lubos na naghahalo ng inumin at naglilikha ng light froth sa taas.

Ang mga sangkap na kailangan sa paggawa ng tsokolate:

1 tasa ng kumukulong tubig

1 tasa ng gatas

2 bloke ng tsokolate tablea o maaaring dagdagan depende kung gaano kasaganang tsokolate ang iyong nais

1 kutsara ng asukal (opsyonal)

sandampot ng asin (opsyonal)

Ang paraan sa paggawa ng tsokolate ay madali:

Kailangan mong pakuluan ang tubig, sunod ay ihalo ang tsokolate tablea at gatas sa isang palayok sa light to medium fire. Bantayan ng maigi ito dahil maaaring matagal bago matunaw ang tablea. Kung nais ang mas pinong inumin, dahan-dahang pakuluan ang tsokolate ng halos 30 minutos sabay haluin at batihin paminsan-minsan sakaling may mga piraso ng tablea ang dumikit sa ilalim ng palayok. Maaaring maglagay ng asukal kung nais mong maging matamis ang iyong inumin kaysa sa karaniwan.

Bakit kailangan magdagdag ng asin?

Ang asin ay nagdadagdag ng lasa sa tsokolate. Ang konting asin ay pumipigil sa iyong abilidad na malasa ang pait, ang pait ng tsokolate ay hihina at nagpapahintulot sa ibang lasa na lumabas ng mas malakas sa pamamagitan ng paghahambing. Ang konting halaga na idinagdag sa tsokolate ay magpapalakas ng creaminess at lasa ng tsokolate. Ngunit siguraduhin na maglagay lamang ng konting halaga dahil kung sumobra naman ay magiging masama ang lasa. 

melted tablea on the pot
melted tablea on the pot Source: Claudette Centeno Calixto
Para mas maging awtentik, maaaring gumamit ng tradisyonal na kasangkapan na tinatawag na batirol upang magdagdag ng froth sa iyong tsokolate.

Ang batirol ay isang kahoy na kasangkapan na ginagamit sa paggawa ng mga tsokolateng inumin. Tinatawag na molinillo sa Mexico, ito ay paikot na bating gawa sa kahoy.
Attribution – molinillos – must read: Wikipedia/Y! Musica CC BY 2.0
Attribution – molinillos – must read: Wikipedia/Y! Musica CC BY 2.0 Source: Attribution – molinillos – must read: Wikipedia/Y! Musica CC BY 2.0
Paano gamitin ang batirol?

Upang gamitin sa tradisyonal na paraan, hawakan ang batirol sa pagitan ng mga palad ng iyong kamay at paikutin sa pamamagitan ng pagkuskos ng parehong palad ng sabay. Ang pag-ikot ay naglilikha ng froth sa likido.
Rotate the batirol by rubbing palms together.
Rotate the batirol by rubbing palms together. Source: Nikki Gregorio
Paano kung walang batirol?

 Huwag mag-alala kung walang batirol maaaring gumamit ng gawa sa kahoy na kutsara o bati. Ang sekreto ay nasa pag-bati upang makagawa ng kalidad na tsokolate.

Konting twist sa iyong tsokolate?

Maaaring maglagay ng twist sa iyong karaniwang tsokolate. Pwedeng maglagay ng ibang pampalasa tulad ng tinadtad na milk chocolate (pandagdag sa tamis at pino), marshmallow, cocoa powder, peanut butter (ang ilang tablea ay may giniling na mani nagbibigay ng nuttier na lasa at texture), vanilla extract o kahit rum o tequila.
Put a twist to your drink by adding some marshmallow
Put a twist to your drink by adding some marshmallow Source: Attribution – drink – must read: Pixabay/StockSnap CC0
Sa oras na perpektong nagawa mo na ang tsokolate, ibuhos ang mainit na inumin sa iyong paboritong tasa at i-enjoy ang kakaiba at masaganang lasa.

Ang masarap na inumin ay siguradong magdadala sa iyo sa mga di malilimutang araw sa Pilipinas sabay ng pagbibigay ng init na kailangan ngayong taglamig. Ang tsokolate tablea ay totoong Pinoy favourite  na hindi malilimutan nasaan man sa mundo. 

 

 

 

 


Share
Published 27 July 2018 1:46pm
Updated 5 December 2018 4:02pm
By Claudette Centeno-Calixto


Share this with family and friends