Patay matapos mabaril ng pulis ang isang lalaki matapos na saksakin nito ang ilang katao sa isang shopping centre ng Westfield sa Bondi Junction sa Sydney.
Kinumpirma ng pulis na anim na tao ang nasawi.
Isang major incident ang idineklara pagkatapos ng insidente nitong Sabado ng hapon, kung saan nagbigay ng lunas ang mga paramedic sa mga biktima ng pananaksak sa lugar.
Sinabi ng NSW Ambulance na siyam na sugatan ang dinala sa ospital kung saan kabilang ang isang siyam na buwang sanggol.
May ilang tao na nasa ospital na nasa seryoso o kritikal na kalagayan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, ngunit sinabi ng mga awtoridad na wala ng umiiral na banta.
Source: AFP / David Gray via Getty Images
"I do not have information in relation to the offender. I do not know at this stage who he is."
Idinagdag ni Cooke na wala pang palatandaan ng anumang motibo.
Families walk out of the Westfield Bondi Junction shopping mall after a stabbing incident in Sydney on 13 April, 2024. Source: Getty / David Gray
Mag-isang pulis
Pumasok ang salarin sa shopping centre bandang alas-3 ng hapon, lumabas sandali, at matapos ang sampung minuto ay bumalik at "may kinausap na siyam na tao".
Sinabi ni Cooke na isang solong babaeng pulis na malapit sa lugar ang rumesponde at "kaagad" pinuntahan ang insidente at nakaharap ang salarin.
Kwento pa ni Cooke na naglabas ng patalim ang lalaki bago nito pinaputukan na ikinamatay nito.
Nailigtas ang maraming buhay dahil sa aksyon ng nasabing pulis, dagdag nito.
"Our hearts go out to all of [the victims], as they do to anyone touched by this terrible incident," Cooke said, later adding that he had never seen anything like this incident.
Credit: Photo by DAVID GRAY/AFP via Getty Images
"Nagtakbuhan ang maraming tao"
Nasa pinangyarihan din ang SBS News presenter na si Ricardo Gonçalves ng panahon na iyon.
"We saw people scurrying and then I heard what sounded like gunshots very close by - if I was to guess, 20 metres away," kwento ni Gonçalves sa SBS News. "And then we just ran; we bolted with everyone else. There was this mass of people running... Hundreds. Everyone."
Natatanging naiisip lang ni Gonçalves sa panahon na yun: "Just get to safety."
Dagdag nitong humigit-kumulang 20 minuto bago iyon, narinig niya ang tila may isang away na may "maraming nagsisigawan ."
"It sounded like someone was getting hurt," wika nito.
Nagtago ang ilan sa mga tindahan
Si Domenico Gentile mula naman sa Italian program ng SBS Audio ay naroon din sa shopping centre noong oras na iyon.
"I was there when I heard these three shots, and I felt immediately the panic that followed and the shops closing down," sinabi nito sa SBS News. "After that we all took refuge wherever we could, because there was no direction. There was no police at the time. I went into a Harris Farm."
"We were evacuated and as soon as I got out, I immediately saw the massive presence of police, the ambulances and so on."
Ikinuwento ng ilang mga nakasaksi na nakapayanam ng media ang kabayanihang ginawa ng ilang manggagawa sa mga shop o tindahan na pinapasok ang ilang tao sa kanila at kinandado para sa kanilang kaligtasan.