Maraming tao sa Australia at ibang bansa ang nababahala matapos kumalat online ang press release ng One Nation ni Pauline Hanson.
Sa pahayag noong Pebrero 11, sinabi ng partido na ipapa-deport nila ang "75,000 ilegal na imigrante."
Ayon kay Senator Pauline Hanson, ang mga lumampas sa kanilang visa, nagtatrabaho nang ilegal, o may kasong kriminal ay ipapa-deport nang walang karapatang umapela.

"One Nation, united, strong, and prosperous, celebrates its 11th year." Credit: One Nation Website
Sa isang Ni-Vanuatu Facebook group, may isang user na nag-post upang balaan ang iba na maaaring maapektuhan ang kanilang mga pamilya ng deportasyon.
"Send messages to them to come back before the operation takes place," anila.
"Feeling sorry for our family members from Vanuatu," sabi ng iba.
Maraming post ang ikinukumpara ang anunsyo ng polisiya sa pinaigting na kampanya ni Pangulong Trump laban sa imigrasyon sa Estados Unidos.
"Trump gave the order to Australia ... to also deport people who live in Australia illegally," ayon sa nabasa ng SBS Bislama.
May ibang mga user na nagpahayag ng suporta para sa naturang polisiya.
Nakapanayam ng SBS Tetum ang dalawang migranteng manggagawa mula Timor-Leste, sina Leo at Maria, na nakakita rin ng anunsyo sa social media.
"We were worried because, for us, coming to Australia is an opportunity to provide for our families back home. So far, we have followed the rules and are in the system, but hearing this news was very concerning," anila.
Si Carla Chung mula sa ACRATH (Australian Catholic Religious Against Trafficking in Humans), na sumusuporta sa mga migranteng manggagawa, ay nakatanggap ng maraming mensahe nang magsimulang kumalat ang dokumento online.
"I saw that the workers were quite stressed and depressed when they saw Pauline Hanson's media statement," saad niya.
"I told them that this was just an idea from a minority party ... I told them not to worry, and to just focus on their work."
Sinabi nina Leo at Maria sa SBS Tetum, na takot ma-deport dahil sa polisiya, na nabigyan sila ng kapanatagan nang ipaliwanag ng ibang mga post sa Facebook ang nilalaman ng dokumento.
"The good thing about social media is that we discovered this information was not official from the government," anila.
Isang tagapagsalita ng One Nation ang nagsabi sa SBS na hindi nila alam ang anumang paratang na nakaliligaw ang pahayag, at hindi rin nila alam sa anumang "migrant community" na nagsasabing nagdulot ng "pag-aalala" ang anunsyo.
Ayon kay Associate Professor Anna Boucher, isang global migration expert, bagaman nagdulot ng pag-aalala ang press release sa ilan, ito ay "ayon sa imahe" ng One Nation.
"This has been kind of a One Nation policy platform since its inception, really, to deal with migration."
Naniniwala siya na ang press release ay higit na nakatuon sa "kanilang mga tagasuporta."
Si A/Prof Boucher ay isang Senior Lecturer sa Public Policy at Political Science sa University of Sydney, at miyembro ng Ministerial Advisory Council on Skilled Migration ng gobyernong pederal.
Sinabi niya sa SBS na ang mga polisiya na nakasaad sa press release ay malamang na hindi magiging "epektibo o maipapatupad."
Idinagdag din niya na ang mass deportation ay hindi simple, at wala sa One Nation ang awtoridad na "alisin ang karapatang mag-apela sa Administrative Review Tribunal."
LISTEN TO

SBS Examines: Mga migrante sa Australia, hirap pa ring makahanap ng trabaho na tugma sa kanilang kasanayan
SBS Filipino
11/11/202404:59
'Mga pangamba sa kasalukuyan"
Sinabi rin sa press release na ang rekord na imigrasyon sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno ay nagiging sanhi ng lumalalang krisis sa pabahay, tumataas na inflation, at pagbibigay ng labis na pasanin sa mga pampublikong serbisyo at imprastruktura.
Nang tanungin tungkol sa mga datos o impormasyon na sumusuporta sa ugnayan ng imigrasyon, pabahay, at inflation, nagbigay ang tagapagsalita ng partido ng mga link sa isang pagsusuri ng ABC at isang komentaryo sa The Australian.
"These are by no means the only sources of information showing the obvious, undisputed fact that more people in Australia means more people using available services, infrastructure and housing," anila.
Gayunpaman, sinabi ni Emeritus Professor Peter McDonald ng Crawford School of Public Policy sa Australian National University at sa SBS na ang imigrasyon ay may kaunting epekto sa krisis sa pabahay.
"When commentators and politicians attribute all problems of the housing market to high immigration, by definition, they're diverting attention away from the wide range of policy approaches that are required to deal with the housing crisis," saad niya.
Sinabi niya na ang mga migranteng manggagawa ay may kaunting epekto sa merkado ng pagbili ng bahay at pagpapaupa, at ang pagpigil sa imigrasyon ay hindi makakasolusyon sa problema.
Ayon kay Dr. Dorina Pojani, Associate Professor ng Urban Planning mula sa University of Queensland, ang tanging isyu ay ang kakulangan ng mga bahay.
"We simply don't have enough houses for the population we have, and that is not simply attributed to immigration. We aren't creating enough housing," aniya.
"Around the year 2000, we stopped producing new housing in line with demand and prices have been going up ever since."
Sinabi ni A/Prof Boucher na ang pagpapakita ng One Nation ng ugnayan ng pabahay at imigrasyon, "kung totoo man o hindi, ay nagpapalala ito ng takot sa mga botante."
"That's why they're focusing on it."
LISTEN TO

SBS Examines: Pinapalala ba ng imigrasyon ang krisis sa pabahay?
SBS Filipino
19/07/202405:07
Epekto sa imigrasyon
Ang One Nation ni Pauline Hanson ay isang maliit na partido at wala itong sapat na miyembro upang bumuo ng gobyerno o magpatupad ng mga polisiya nang mag-isa.
Ngunit sinabi ni A/Professor Boucher na may mga pangamba siya tungkol sa epekto ng "ganitong uri ng pahayag" at "pananakot" sa pagkakaisa ng lipunan.
"It could push the conversation around migration to a more unwelcoming and radical position generally in Australia. It might inspire one of the major parties to adopt some, although probably not all, of these ideas," dagdag niya.
LISTEN TO
SBS Examines: Paninirahan sa bansa nang walang katiyakan
SBS Filipino
18/10/202405:50
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and