Key Points
- Legal ani Ginoong Morrison ang kanyang mga sikretong pagtatalaga sa sarili sa iba't ibang tungkulin.
- Papalitan na ng bagong batas ang deklarasyon ng emergency sa Western Australia.
- Nagpositibo sa COVID-19 ang first lady ng Estados Unidos.
Nitong Miyerkoles, naitala ang aabot sa 67 na kaso ng pagkasawi dahil sa COVID-19 sa buong Australya kabilang ang 26 sa New South Wales, 17 sa Queensland at 15 sa Victoria.
Dinepensahan ni dating Punong Ministro Scott Morrison ang kanyang mga sikretong pagtatalaga sa sarili sa limang kagawaran kabilang ang kalusugan, sa pagsisimula ng pandemya.
Iginiit ng dating Punong Ministro na wala siyang nilabag na batas at hindi niya ginamit ang emergency power maliban sa isang kaganapan.
"I believed it was a prudent, responsible action in the middle of a crisis to have those emergency powers in place," saad ni Morrison.
Lumabas naman sa isang pagdinig ng parlyamento ng New South Wales na ang presensya ng pulisya at militar sa mga kalsada ay nagbigay ng trauma sa mga refugee at humihingi ng asylum noong panahon ng mga lockdown dahil sa COVID-19.
Ang inquiry ay dumidinig sa mga karanasan ng mga residente ng kanluran at timog-kanlurang bahagi ng Sydney sa kasagsagan ng pandemya. Layon nitong mapaigting ang komunikasyon tuwing may krisis sa mga komunidad na culturally at linguistically diverse.
Sa Western Australia, nalalapit nang mapalitan ang deklarasyon ng emergency ng bagong batas na papayagan ang mga awtoridad na bantayan ang mandato ng pagsusuot ng mask sa mga ospital, aged-care homes at pampublikong transportasyon.
Samantala, kasalukuyang naka-isolate si US First lady Jill Biden matapos magpositibo sa COVID-19 test. Nakakaranas ang first lady ng banayad na sintomas. Ang Pangulong Joe Biden naman na kagagaling lang mula sa nasabing sakit ay negatibo sa test.
Nakatanggap ng maraming mungkahi ang World Health Organization sa pagpapalit ng pangalan sa monkeypox virus. Ilan dito ay Poxy McPoxface, TRUMP-22 at Mpox.
Hanapin ang COVID-19 testing clinic:
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positibo:
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,
Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa