Settlement Guide: Karapatan ng mga manggagawang walang permanenteng visa

Katulad ng ibang Australyano, may karapatan din ang mga migranteng malaman kung ano ang kanilang karapatan bilang manggagawa sa Australia at kung paano i-report ang mapang-abusong employer.

"Mahalagang malaman ng mga migrante na ang kanilang mga karapatan sa trabaho ay kapareho ng sa sinumang manggagawa sa Australia," ayon kay Professor Alan Fels, pinuno ng Migrant Workers’ Taskforce.

Pay, leave and entitlements

Karapatan ng sinumang nagtatrabaho sa bansa na makatanggap ng minimum hourly wage rate na $18.93 o $719.20 kada 38 oras kada linggo (bago kaltasan ng tax). At maaaring mas mataas pa dito ang pwedeng makuha kung ikaw ay casual employee o kwalipikado ka sa modern award. Alamin ang iyong tamang pay rate gamit ang .

Para malaman ang iba pang impormasyon kaugnay sa leave at entitlements, bisitahin ang .

Unpaid work

Maaaring hilingin ng isang employer na magtrabaho ka ng walang bayad para masubukan ang iyong kasanayan at upang mapatunayan na  sapat ang iyong kakayanan para sa trabahong gusto mong pasukan. 

Ito ay katanggap-tanggap, ngunit hindi dapat ito pangmatagalan. Maaari kang pagtrabahuhin ng walang bayad sa maikling panahon, na sapat lamang upang mapatunayan ang iyong kasanayan at may gumagabay sayo habang ginagawa mo ang iyong trabaho. 

Halimbawa, kung mamasukan ka bilang barista, kakailanganin lamang ng ilang oras para maipakita mong kaya mong gawin ang trabaho.
A barista is seen prepairing a coffee at a cafe in Canberra
Source: AAP
Maituturing na legal ang internship na walang bayad kung ito ay bahagi ng isang vocational placement o programa ng gobyerno. 

Kung hindi ito ang kaso, maituturing na walang employee-employer relationship sa pagitan ng employer at empleyado. 

Ibig sabihin, ginagawa nila ang trabaho para matuto at hindi para gawin ang trabaho ng isang empleyado. Hindi dapat ito magtagal, at kinakailangang makakatulong ito sa sinumang mamasukan sa trabaho.

Working visa

Responsibilidad mong alamin kung ano ang mga kundisyon ng iyong working visa. Iba din ang mga kundisyon kung ikaw ay may hawak na Student visa o di kaya'y Working Holiday Visa. 

Bisitahin ang  website para malaman ang iba pang impormasyon. 

Kung nag-aalangan ka na hindi mo nasunod ang lahat ng tuntunin ng iyong hawak na visa, hindi ka dapat matakot na i-report kung makaranas ka ng pang-aabuso mula sa iyong employer. 

"We do have a protocol in place with the Department of Immigration where your visa won't be cancelled if you believe you've been exploited at work and you report those circumstances to us," ayon kay Mark Lee, Director of Media for the Fair Work Ombudsman. 

"So you don't need to worry about your visa when coming to us for help."

Paano i-report ang pang-aabuso ng employer

Screenshot of the Fair Work Ombudsman website
Source: Fair Work Ombudsman
Kung nakakaranas ka ng pang-aabuso mula sa iyong employer, tumawag sa  sa numerong13 13 94.

Kung kailangan mo ng interpreter, tumawag sa  sa numerong 131 450. 

Kung nais mong itago ang iyong pangalan o pagkakakilanlan, gamitin ang , na maaaring ma-access sa 17 wika.

Kaligtasan sa lugar ng trabaho

Lahat ng manggagawa sa Australia ay may karapatan na maging ligtas sa lugar ng trabaho. Huwag matakot magsumbong o magsalita kung tingin mo ay hindi ka ligtas. May mga ahensya ng gobyerno na maaari mong hingan ng tulong. Bisitahin ang  para sa dagdag na impormasyon. 

 

 

 


Share
Published 15 April 2022 4:12pm
Updated 15 April 2022 4:17pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends