Inihayag ng Health authorities na ang mga bagong subvariant ay umiiwas sa immunity mula sa nakaraang impeksyon ng COVID-19 at sa itinurok na bakuna.
Sa katunayan lumabas sa na umaabot sa 25 porsyento ang reinfections o muling nahawa ng virus sa kabuuang bagong kaso sa isang buong araw sa England at 18 poryento sa
Samantala sa mga estado at teritoryo ng Australia, bumaba ang mga kaso ng mg nahawang muli sa panahon simula 12 linggo hanggang 28 na araw.
Ibig sabihin, maaaring mahawang muli ang mga pasyente sa loob ng 28 na araw matapos sila nagka-COVID.
Pag-iwas sa mga bagong variant
Ayon sa mga awtoridad maaaring maiwasan ang impeksyon at malubhang sakit kung magsuot ng face masks, panatilihin ang social distancing, paglagay ng sanitiser sa mga kamay at maging updated sa bakuna kontra COVID.
Dagdag ng Leading epidemiologist Professor Catherine Bennett ang pagpapabooster shot ngayong taglamig ay nakakatulong para bumaba ang tsansa ng malubhang impeksyon sa karagdang two-thirds para sa mga may mataas ang risk.
Lumabas ginawang pag-aaral sa Tel Aviv University at Ben-Gurion University sa Negev, ang pagpapabakuna sa pang-apat na dose laban sa COVID ay magpapababa ng tsansa na mahawa sa impeksyon sa 34 per cent , 65 porsyeto sa pagka-ospital at 72 porsyento sa pagkamatay ng mga matatanda sa Israel.
Ang kasalukuyang rekomendasyon sa bakuna para sa mga taong may edad:
- 50+ apat na doses
- 30-49 tatlong doses, maaari ang apat
- 16-29 tatlong doses
- 5-15 dalawang doses.
Ang booster o pangatlong dose ay rekomendado para sa 12 hanggang 15 taong gulang kapag napabilang sa immunocompromised o may kapansanan at may malubhang sakit.
Samantala, ang pang-apat na dose ay para sa mga residente na may pangatlong dose o nagpa-booster shot tatlong buwan na ang nakaraan:
- 30 taong gulang o pataas
- Residente ng aged care o disability care facility
- May malubhabg sakit o severely immunocompromised
- Aboriginal o Torres Strait Islander, at 50 taong gulang pataas
- 16 taong gulang pataas na may malubhang sakit at mataas ang tsansa na magka-COVID
- 16 taong gulang pataas na may kapansanan
Gamot para sa nagpositibo ng COVID-19
Ang antiviral na gamot ay nakakatulong para mapigilan ang impeksyon sa loob ng katawan.
Ayon sa mga eksperto ang pag-inum ng antiviral na gamot laban sa COVID na (lagevrio at paxlovid) sa pagsisimula pa lang ng sintomas, karaniwan sa loob ng limang araw. Ito ay makakatulong para maiwasan ang malubhang epekto ng COVID at ma-ospital.
Ang gamot na ito ay maaaring gamitin para sa mga residente na nagpositibo ng COVID at silang:
May edad 70 taong gulang at pataas
1. 50 taong gulang na may dalawa o higit pang iniindang malubhang sakit
2. Aboriginal o Torres Strait Islander na may dalawa o higit pang iniindang malubang sakit
3. 18 taong gulang pataas na immunocompromised ay maaaring gumamit ng gamot.
Ang mga eligible o kwalipikadong residente ay inabisuhang komunsulta muna sa kanilang GP sa pamamagitang ng telehealth kung positibo ito sa COVID.
Ang iniinum na gamot na ito ay nagkakahalaga ng mas mababa pa sa $10 para sa may concession card at $45 sa mga residenteng eligible sa Pharmaceutical Benefits Scheme.
Ibabahagi ng SBS ang mga COVID-19 sa mga komunidad sa iba't ibang wika. Manatiling maalam at maingat. Bisitahin ang .