“Why is it so difficult for [people] like us, who have the ability to raise [children] and give them a good home…versus people who have children one after another but [the children are] being neglected?”
Mahirap para kay Mary Jane Apron-Kaillis na aminin ito, pero totoo, inisip niya noon na hindi makatarungan ang buhay. Masaya naman siya sa kung anong meron siya. Nagmamahalan silang mag-asawa at maganda ang trabaho niya; ngunit, hindi nila makamtan ang pinaka-aasam nila sa buong mundo, ang pakiramdam nilang makakabuo sa pamilya nila. Ang ninanais lang nila noon ng kanyang asawang si Kon ay magkaraoon ng anak, at tila ayaw ito ibigay sa kanila ng tadhana.
Ang proseso ng IVF
Isang imbesitagasyon na ginawa ng mga espesyalista sa Genea IVF (na kilala na Sydney IVF noong 2007) ang nagpakita na malusog ang pangagatawan ni Ms Kaillis; ngunit, na-diagnose ang kanyang asawa na may male factor infertility. Ang ibig sabihin nito ay mababa ang sperm count ni Kon at matumal ang kung ano man ang meron siya. Dahil dito, paniwala ng mga espesyalista na hindi sila makakabuo ng bata ng walang tulong ng siyentia. Mahirap itong tanggapin, ngunit sampung taon na rin silang sumusubok magka-anak kaya mas mainam ng alam nila ang problema para mahanapan nila ito ng solusyon.
Ayon kay Ms Kaillis, maari pa silang uminom ng gamot upang lumakas ang kanilang fertility, ngunit, nauubusan na sila noon ng oras. Nasa mid-thirties na noon si Ms Kaillis, at ayon sa mga doktor, bumababa kada taon ang sperm count ng kanyang asawa.
![The Kaillises](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/620678_4168222282140_1598106756_o.jpg?imwidth=1280)
Kon and Mary Jane Kaillis Source: Mary Jane Apron-Kaillis
Dahil kapos na sila sa oras, pinagdesisyunan na ng mag-asawa na dumiretso na sa intracytoplasmic sperm injection (ICSI) imbis na sa mga iba pang mas mabagal na proseso. Ang ICSI ay ang proseso ng pagkuha na sperm cells upang i-ineksyon ito sa egg.
Kinailangan uminom ni Ms Kaillis ng birth control pills bago ang IVF at dumaan rin siya sa mga eksamen upang matingnan ang kanyang mga follicles, ovaries at eggs. Ngunit habang hindi naman malaking bagay para kay Ms Kaillis ang mga eksameng ito, ang pinakamahirap na kinailangan niyang gawin ay ang mga ineksiyon sa kanyang tiyan.
Kinakailangan niyang gawin ang mga ineksiyon ng 9 ng gabi araw-araw. Dahil nagtatrabaho si Kon bilang chef sa malapit na restawran, nagagawa niyang umuwi para tulungan siya. Ngunit, kapag maraming tao sa restawran, hindi nakakaalis si Kon doon at kinakailangang si Ms Kaillis ang magturok sa kanyang sarili.
"I had to close my eyes. I couldn’t inject myself," aniya, "But I said to myself, you have to be brave enough to do this because no one’s going to do this for you."
Pagkatapos ng lahat ng ineksiyon, tinawag sila para sa isang aspiration o harvesting. Sumailalim ang sperm cells ng kanyang asawa sa mikroskopyo upang makuha ng mga doktor ang pinaka-malusog sa mga ito. Pagkatapos nito, inilagay ang mga sperm cells sa harvested eggs ni Ms Kaillis. Nasa incubator ang mga ito ng limang araw, at kahit sampu ang mga eggs na iniligay doon, tatlo lang ang maaring gamitin. Sa transfer day, nasira pa ang isa sa mga incubated eggs.
"Because we didn’t want to go through the same procedure again and freeze the embryo, we said just [use] the two [eggs]. I had to sign a waiver just in case the two split up again and they become quads or twins," saad ni Ms Kaillis.
![Transfer Day](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/ivf_story.jpg?imwidth=1280)
Transfer day Source: Mary Jane Apron-Kaillis
Mahal at emosyunal
Bulk billed na ang IVF sa mga ibang klinika sa Australya; ngunit, sa 2007, ang isang cycle ay nangangahalagang $13,000. Ayon kay Ms Kaillis, natatakot siya noon na hindi magbunga ng anak ang proseso dahil hindi na nila kayang tustusan ang isa pang cycle.
Habang ang buhay ng mag-asawa ay nakatuon sa IVF, walang kaalam-alam ang kanilang pamilya at mga kaibigan ukol sa mga nangyayari sa kanila. Ayaw nilang ipaalam ito sa iba - kung sakaling hindi matuloy ang kanilang mga plano. Mahirap na ang proseso, mas mahirap pa kung kinakailangan nilang ipaliwanag ito sa iba.
“I was so afraid of the repercussions just in case it wasn’t successful. I would have to explain so many things. I was not prepared for that," aniya, habang sinasaad na mahirap at malungkot ang proseso.
Bagama't ito ang pinagdaanan ng mag-asawa, nanatili silang matatag. Naging matagumpay ang proseso at nabuo ang kanilang anak na si Zechariah. At hindi lang iyan, nabuo rin ang kanilang anak na si Hannah, 14 na buwan pagkatapos mapanganak ang panganay nila, ng walang tulong ng siyentia.
Naging matagumpay ang IVF para sa mag-asawa; ngunit, hindi laging matagumpay ang proseso. Maraming kwento ng IVF, ang iba'y nagwawakas sa saya, habang ang iba nama'y nauuwi sa kabiguan. Maari kang maghintay, ngunit maaring wala ka pa ring mayayakap na supling sa huli. Minsa'y hindi makatarungan ang buhay; ngunit, minsan, ninanais lamang nitong maghintay tayo ng kaunti pa. Minsan, panahon at pag-asa lamang ang kinakailangan.
Gaya nga ng sabi ni Ms Kaillis, "Be prepared for whatever will come. I said to myself, whatever it is, I will accept it. This is our last resort. At least we tried."
![Pregnant](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/43951852_273051479984674_1819623767521886208_n.jpg?imwidth=1280)
Ms Kaillis pregnant with Zechariah Source: Mary Jane Apron-Kaillis
![Message to kids](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/44050131_273637089944871_2306567454232412160_n.jpg?imwidth=1280)
Ms Kaillis' message to her children Source: Mary Jane Apron-Kaillis
ALSO READ