Naalala pa ni Tim Talam ng MasterChef Australia ang luto ng kanyang lola, kung paano niya ginisa ang bawang at sibuyas upang lutuin ang paborito niyang lengua at kare-kare, kung paano niya isinantabi ang mga measuring cups at kung paano siya nagluto buong araw para lang siguradong masaya at busog ang kanyang pamilya.
“We’d always be just full,” aniya, “I grew up with Filipino food. I absolutely loved it.”
Natutunan ng Sydneysider na ito na mahalin ang pagkaing Pilipino; at dahil rin sa pagmamahal na ito, naudyok din siyang mag-eksperimento pagdating sa iba't ibang pagkain at lasa. Mula sa kanyang pag-eeksperimento, natuklasan niya ang American-style barbecue gaya ng brisket, pulled pork, at short ribs.

A younger Tim Talam with his grandmother. Source: Tim Talam
Mula sa kusina ng kanyang lola at mula sa sarili niyang ihawan, napadpad si Mr Talam sa "difficult but rewarding" set ng Masterchef Australia.
Saad niya na nasa "bucket list" niya na maging bahagi ng programa, at ang pangarap na ito ay naging oportunidad para sa kanya na makakilala ng mga tanyag na chef, makahanap ng mga kapareho niyang mahilig magluto, at matutunan pa ang sarili niyang estilo.
"The show in itself was so raw. It’s just us cooking. We forget the cameras are there half the time. It's just us on a plate," saad niya.

Tim Talam on MasterChef Australia Source: Tim Talam
At pagdating sa kanyang sariling estilo, nabigyan siya ng palayaw na ''Meat Bae' (mula sa 'Salt Bae', isang Turkish chef ) sa programa dahil sa kanyang hilig sa pag-iihaw.
"It’s definitely caught on. I don’t think I have a first name anymore," aniya, "I don’t get called Tim anymore."
Ngunit habang 'Meat Bae' ang tawag sa kanya ng publiko, 'Tim' pa rin siya para sa kanyang pamilya. Siya pa rin si 'Tim' na mahilig magluto para sa mga mahal niya sa buhay.
"As hard as it is [to cook] the whole day, but [when] your family come[s] around, they just sit there and enjoy [what you cooked]...I don’t actually eat. I just notice everyone around me having a good time and just being happy to be together," saad niya.
Natapos na ang oras niya sa MasterChef Australia, pero mas lalo lang lumakas ang kanyang pagmamahal sa pagkain at sa pagluluto. Na-validate din ng programa ang kanyang ouido-style, "tantsa this, tantsa that" na pagluluto na tinuro sa kanya ng kanyang lola.

Tim Talam's parents and sister. Source: Tim Talam
"I’m an intuitive cook because I cook based on what I like to eat and on the flavours I enjoy. Intuition is one of those things that you follow what you think is right - just follow your own recipe," aniya.
BASAHIN DIN

Tim Talam creating food he loves the most - barbecue. Source: Tim Talam