Nasungkit ng 30 anyos na weightlifter na si Hidlyn Diaz ang unang gintong medalya para sa Pilipinas sa Tokyo Olympics kung saan nanalo ang atleta sa women's 55 kg category.
Sa kanyang pang-apat na Olympics, nabuhat nya ang combined weight na 224 kg at dahil dito na-break nya ang Olympic record.
"I thought it would be like going down, my performance, but I was shocked I was able to do it," ayon kay Hidilyn.
Ipinagmamalaki naman ng sambayanang Pilipino ang pagkapanalo niya ng gintong medalya.
"We are one with the Filipino nation in celebrating the remarkable and historic success of Hidilyn Diaz in the recently held Women’s 55kg Weightlifting Competition during the Tokyo 2020 Olympic Games," ani Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
"Mabuhay ka, Hidilyn! We are so proud of you. Saludo ako sa galing ng atletang Pilipino."
Tinalo ni HidIlyn ang world champion na si Liao Quiyun ng China na nag-uwi ng silver na medalya at ang pambato ng Kazakhstan na si Zulfiya Chinshanlo, na nanalo ng bronze.
BASAHIN O PAKINGGAN DIN