Sino si Joel Cauchi, ang lalaking umatake at nanaksak sa Bondi Junction Shopping Centre?

Pinangalanan ng NSW Police ang 40-taong-gulang mula Queensland na si Joel Cauchi na umatake ng mga pananaksak sa Bondi na ikinamatay ng anim na katao.

A police car

Joel Cauchi, 40, stabbed six people to death and seriously wounded 12 others on Saturday afternoon before being shot dead by Inspector Amy Scott. Source: AAP / Steve Markham

Mula Brisbane ay lumipat sa Sydney noong nakaraang buwan ang 40-anyos na si Joel Cauchi, ang lalaking umatake at nanaksak ng mga tao sa Westfield na ikinamatay ang anim na katao.

Hawak ang kutsilyo, sinindak ni Cauchi ang mga tao sa shopping centre noong Sabado, alas-3 ng hapon kung saan lima sa namatay na anim ay kababaihan habang may 12 sugatan,

Nagsimula na ang imbestigasyon ng police sa insidenteng ito.

Sino nga ba ang lalaking umatake? Ano ang kanyang motibo? Sino ang mga biktima at sinoa ng babaeng pulis na nakabaril sa kaniya? At ano ang mga susunod na kabanata?

Sino si Joel Cauchi?

Sa panayam sa media nitong Linggo ng umaga, sinabi ni Assistant Commissioner Anthony Cooke na ang Bondi attacker ay kilala ng mga awtoridad sa kanyang lugar at may problema sa mental health.

Kinumpirma ng NSW Police na walang ebidensya na nagpapahiwatig na ang kanyang pag-atake ay dahil sa matinding motibasyon o ideolohiya.

"At this stage, it will appear related to the mental health of the individual," saad ni Cooke.
Si Cauchi ay lumipat sa Sydney mula sa Queensland noong Marso at umupa ng isang maliit na storage unit.

Sinabi ni Queensland Police Assistant Commissioner Roger Lowe na si Cauchi ay diagnosed ng mental illness noong siya ay 17 taong gulang at, batay sa kanilang mga imbestigasyon, ang kanyang kondisyon ay nagdeteriorate sa mga nakaraang taon.

"The man has never been arrested by police in Queensland nor has he been charged with any criminal offence," sabi ni Lowe.

"He has been in contact with the police primarily in the last four to five years would be the most contact we've had with them."

Walang rekord Si Cauchi sa domestic violence order, bagaman karamihan sa kanyang mga biktima ay mga babae. Wala ring komunikasyon ang Queensland police kay Cauchi mula Disyembre, nang siya ay sumailalim sa street check sa Gold Coast.

Sinabi ni Lowe na ang pamilya ni Cauchi ay lumapit sa mga awtoridad matapos nilang mapaniniwalaang nakita nila ang kanilang anak sa mga footage sa telebisyon noong Sabado. "Our understanding from speaking to the family (is) he has been an itinerant," sabi ni Lowe.
Nakita si Cauchi sa mga CCTV footage oras bago ang pag-atake na may suot na itim na backpack, na nag-oorder ng pagkain mula sa isang Vietnamese restaurant sa Oxford Street.

Mayroon ding na-setup na online escort profile si Cauchi bagaman walang malaswang ritrato, at naglalarawan sa kanyang sarili bilang isang "athletic good looking 39-year-old guy".

Tinanggal na ngayon ang kanyang Facebook profile na nagsasaad na lumaki siya sa Toowoomba at nag-aral sa Harristown State High School at sa University of Southern Queensland.

Sa isang post mula sa kanyang account sa isang Facebook group noong Disyembre 2020, si Cauchi ay naghahanap na makipagkita sa "mga grupo ng tao na nagbabaril, kasama ang mga handgun". "Please send me a DM (direct message) if you can help me out! I live in Brisbane by the way," sulat nito.

Nagpapakita ang social media profile ni Cauchi na nagtratrabaho siya bilang online English tutor at nagsabi pa sa isa pang Facebook group ng plano na mag-surfing sa Bondi anim na araw bago ang pag-atake.
STABBING BONDI JUNCTION
Paramedics treated patients at the scene, and police declared it a critical incident. Source: AAP / Steve Markham
Sa isang pahayag noong Linggo, sinabi ng pamilya Cauchi na sila ay "lubos na nababagabag" sa pag-atake.

"Our thoughts and prayers are with the families and friends of the victims and those still undergoing treatment at this time," nakasaad sa pahayag nito.

"Joel's actions were truly horrific, and we are still trying to comprehend what has happened. He has battled with mental health issues since he was a teenager.

"We are in contact with both the New South Wales Police Force and Queensland Police Service and have no issues with the Police Officer who shot our son as she was only doing her job to protect others and we hope she is coping alright."

Ang pamilya Cauchi ay naglabas ng pahayag sa pamamagitan ng Queensland police noong hapon ng Linggo, na nagpapahayag na sila ay nababagabag kalunos-lunos na mga pangyayari at nagpapahayag ng kanilang kalungkutan para sa mga biktima.

"Joel's actions were truly horrific, and we are still trying to comprehend what has happened," ayon sa pahayag.

"He has battled with mental health issues since he was a teenager."

"Wala kaming isyu" kay Inspector Scott na pumatay sa kanilang anak, na sinasabing ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho upang protektahan ang iba at umaasa sila na siya ay makakayanan ang lahat ng ito nang maayos.

Natukoy na ba ng pulisya ang motibo?

Sinabi ni Cooke na walang pang nalalamang konkretong motibo sa naging pag-atake.

"We know that the offender in the matter suffers from mental health ... At this stage it would appear that this is related to the mental health of the individual involved.

"We have received no evidence that we have recovered, no intelligence that we have gathered that would suggest that this was driven by any particular motivation, ideology or otherwise."

Sino ang mga biktima ng pag-atake?

Limang babae ang biktimana may edad na 20 hanggang 55 at isang 30-anyos na lalaking security guard ang nasawi sa atake, habang marami pang iba ang nasugatan.

Lima sa mga biktima ay pinangalan na, na may dalawa sa mga pinatay mula sa ibang bansa na walang pamilya sa Australia, sabi ni Cooke.

Isa sa mga biktima ay si 25-anyos na Dawn Singleton, anak ng Australyanong negosyante na si John Singleton, na may mga tribute sa social media para sa batang babae.

Ang arkitekto na si Jade Young, na nagtrabaho malapit sa Double Bay, ay nabanggit din bilang isang biktima ng maraming media outlet noong Linggo.
A woman holds a dog in her arms.
Jade Young was one of the six victims killed in the stabbing attack on Saturday. Source: AAP / Image
Pinangalanan din ng NSW Police ang 55-anyos na si Pikria Darchia bilang biktima ng mga pag-atake.

Si Darchia ay mula sa Tbilisi sa Georgia, at ang kanyang LinkedIn profile ay nagpapahiwatig na siya ay isang artist. Humiling ang kanyang pamilya ng privacy.
A woman smiles as she leans on her hand.
Bondi Junction stabbing victim, 55-year-old Pikria Darchia. Source: AAP / Supplied Image
Ang lalaking security guard ay si Faraz Tahir, na dumating sa Australia noong 2023 mula sa Pakistan, kung saan siya ay tumakas dahil sa nakaambang persecution, ayon sa Ahmadiyya Muslim Community of Australia.
A screenshot showing a portrait image of a man with dark hair in a white shirt.
Faraz Tahir arrived in Australia in 2023 after feeling persecution in his home country of Pakistan. Source: Supplied
Isa pang biktima ay ang lokal na residente at isang ina na si na humingi ng tulong sa ibang tao at ibinigay ang kanyang nasugatang siyam na buwang sanggol para makatakas at mailigtas bago siya mawalan ng malay, ayon sa ulat ng Sydney Daily Telegraph
A woman with long blonde hair in a formal black outfit.
A supplied image of 38-year-old Ashlee Good who was fatally stabbed at Bondi Junction. Source: Supplied / PR IMAGE
Sinabi ni NSW Health Minister Ryan Park na si Good ay namatay sa kanyang mga natamong malubhang sugat habang ang kanyang anak na si Harriet ay nananatiling nasa kritikal na kalagayan sa ICU sa Children's Hospital sa Randwick.

Hindi bababa sa 12 iba pa – kabilang ang siyam na kababaihan – ay naospital matapos masugatan sa pag-atake, bagaman ang ilan ay na-discharge na noong Linggo ng hapon.

Sino ang pulis na nakabaril kay Cauchi?

Si Cauchi ay napatay ng isang nag-iisang babaeng pulis sa lugar na tinukoy bilang si Amy Scott.

Binigyang-pugay ni NSW Premier Chris Minns si Scott para sa kanyang mga bayaning gawa.
A portrait shot of a female police officer.
Police officer Amy Scott prevented more carnage after she ran into a shopping centre and ended the rampage of a knife-wielding offender who killed six people. Source: AAP / PR IMAGE
"Insp Amy Scott ... ran towards danger, showed professionalism and bravery and without a shadow of the doubt, saved many, many lives in the last 24 hours."

"She’s with her family today, which is important. But this state owes her an enormous debt of gratitude," dagdag ni Minns.

Sinabi pa ni Cooke na “proud” ang buong pwersa ng kapulisan kay Scott.

"Can I just say how proud we are of the actions of the officer involved last night and she is receiving all the support that she requires."

Ano ang mga susunod na pangyayari?

Ang Westfield Bondi Junction Shopping Centre ay mananatiling sarado sa mga susunod na araw bilang active crime scene, dagdag pa ni Cooke, na may mga patuloy na imbestigasyon na magiging mahaba ito at mabusisi.

"This is a large crime scene. We need to [go through] each and every aspect of the crime scene, absolutely in minute detail, to make sure we get that right. We will do things as quickly as is absolutely practical but it will take some time.

"These are very difficult scenes. But ... we will continue to make progress through it and continue the investigation."

Naka-half-mast na mga bandila

Humiling si Prime Minister Anthony Albanese na ang bandila ng Australia ay ilagay sa half-mast o itaas sa kalahati sa lahat ng gusali ng pamahalaan bilang pagpaparangal sa mga biktima sa Bondi Junction.

Sinabi ng pamahalaan na ito ay isang tanda ng pagdadalamhati at respeto at na ang iba pang mga organisasyon ay malugod na maaaring sumali.

"As a mark of mourning and respect and in accordance with protocol, the Australian National Flag should be flown at half-mast on Monday, 15 April 2024 from all buildings and establishments occupied by Australian Government departments and affiliated agencies," sabi ng Commonwealth Flag Officer sa isang pahayag noong Linggo.

Kung sinuman ang nakasaksi sa insidente ay hinihikayat na tawagan ang Crime Stoppers sa 1800 333 000.

Readers seeking support with mental health can contact Beyond Blue on 1300 22 4636. More information is available at . supports people from culturally and linguistically diverse backgrounds.

- With additional reporting from the Australian Associated Press.

Share
Published 15 April 2024 11:43am
By Caroline Riches
Presented by TJ Correa
Source: SBS


Share this with family and friends