Adelaide University Filipino club nagbibigay inspirasyon sa mga estudyanteng matuto ng wikang Filipino

photos supplied by Jan Noya

Source: photos supplied by Jan Noya

Isang bagong club ng mga Pilipino ang nabuo sa Adelaide upang magbigay inspirasyon sa mga internasyunal na estudyante na pag-aralan ang wika at kulturang Pilipino. Nakausap natin si Jan Lawrence Noya, founder at kasalukuyang presidente ng Adelaide University Filipino club.


supplied by Jan Noya
Source: supplied by Jan Noya
Ang Adelaide University Filipino Club (AUFC) ay isang panlipunan at kultural na grupo na tumatanggap sa mga domestiko/internasyunal na mga Pilipino at di-Pilipinong estudyante na may interes matuto ng wikang Filipino,  tradisyon, paniniwala, kultura at mga kaugalian.
supplied by Jan Noya
Source: supplied by Jan Noya
Ang grupo ay nagbubuo ng maraming kaganapan sa buong taon tulad ng mga Filipino fiesta, weekly social networking events, pubcrawl, karaoke nights, quiz nights at Filipino movie night. 


Share