Pakinggan ang audio
LISTEN TO

Adopting and fostering pets in Australia
SBS Filipino
07:31
Ang pag-aampon ng hayop mula sa bahay kanlungan ay hindi lang nagbibigay kasiyahan dahil may makakasama na o companionship, higit sa lahat nabibigyan mo ng pangalawang pagkakataon na mabuhay ang mga hayop na ito, na nangangailangan ng pamilya na mag-aaruga sa kanila.
Sabi Kieran Watson mula Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals o RSCPA, tinatayang nasa tatlumpong libong iba’t-ibang hayop agn dinadala sa bahay kanlungan sa buong estado ng New South Wales taun-taon. Pinakamataas ang bilang ay ang pusa na umaaabot sa labing limang libo, at sampung libo naman ang mga aso.
Highlights
- Para sa gustong mag-ampon bisitahin ang A o tumungo sa pinakamalapit na RSPCA o sa mga local animal rescue centre.
- Kahit sino maaring mag-ampon ng hayop, kailangan lang suriin ng mga taga- shelter ang mga mag-aampon kung angkop ba sa kanilang pamumuhay ang hayop at maaalagaan ba ito.
- Dapag kumuha ng pet insurance o mag-ipon ng pera para sa pagpapagamot ng mga ito, may pagkakataon na ang hinahayaang mamatay na lang ang hayop dahil hindi kaya ang gastos ng umampon.
Maliban sa aso't pusa, mayroon ding kabayo, baboy, manok, mga rabbit, ibon at isda na inaalagaan sa shelter.
At tulad ng karamihan ng mga pet rescue organisations, sa RSPCA ang mga hayop na kanilang kinakalinga ay bakunado na, nilagyan ng microchip, kinapon, isinailalim na sa medical at behavioural check-up bago pinapa-ampon at higit sa lahat baba ang presyo nito kumpara sa mga pet shops.
“HIndi lang sya mababa ang presyo, segurado pa na ligtas at kalidad ang mga hayop mula sa amin. Kung sa mga pet shop ka bibili hindi mo alam ang pinanggagalingan nila at kung malusog ito."

Animals in the shelter are looking for routine and stability Getty Images/Capuski Source: Getty Images/Capuski
Kapag naisipan mong mag-alaga ng hayop mula sa RSPCA, maaring bisitahin ang A o kaya direktang pumunta sa pinakamalapit na RSPCA shelter.
Bago mo makuha ang napiling hayop, kabilang sa proseso ng pag-ampon sa RSPCA ay binibigay ang lahat ng impormasyon tungkol sa hayop na gusto mo.
Dapat din seguradong ang napiling hayop ay angkop sa pamumuhay ng inyong pamilya at higit sa lahat kayang maibigay ang kalinga at pagmamahal sa hayop.
“ Kung mag-aampon ka mula sa RSPCA o sa local rescue shelter, binibigyan mo ng pangalawang pagkakaton na mabuhay ang hayop at seguradong masaya ito para sa hayop lalo't gusto nila ng pamilya."
Kapag walang RSPCA sa inyong lugar, maaaring makipag-ugnay sa mga local animal rescue centres sa inyong lugar.

Giving animals a second chance is a rewarding experience Getty Images/Group4 Studio Source: Getty Images/Group4 Studio
Kagaya ni Cari Michell, na matagal ng taga-pagtaguyod sa pagliligtas at rehoming sa mga pusang gala.
Ngayon masaya nyang kinupkop ang isang inang pusa kasama ang mga kuting, at nakuha nya ito mula sa kanilang local rescue centre apat na taon na ang nakalipas.
“ Maraming rescued na pusa at pusang gala sa paligid. Kahit sa mga industrial areas marami ang nagpapakain, dito na din sila nagpaparami at ako ayoko madagdagan ng cats breeding issues."
Aminado si Cari ang pagkupkop at pag-aalaga ng pusang ligaw o palaboy ay hindi madali lalo’t karamihan sa kanilang ay halus buong buhay ng nasa kalye.
Dagdag nito ang kanyang inang pusa na inaalagaan ngayon ay umabot sa higit isang taon bago sila nagkapalagayan ng loob.
At itinuring nga ni Cari na isang malaking tagumpay matapos natuto na ang alagang pusa na kumandong at maglambing sa kanya.
“Iba ang nabibigay na saya sa aming bahay ng pusang ito. Ang 15 year old na autistic ko na anak, gusto nya ang mga pusa. Nakakatulong ito sa kanya para lumabas ang kanyang tinatagong talento, kaya masaya kami."
Ayon sa mga eksperto ang pag-ampun ng isang hayop ay isang malaking responsibilidad at isa itong pangako na panghabangbuhay ibig sabihin habang buhay ang hayop dapat mahalin at gampanan ang pagiging magulang nito,kaya hindi ito madali.
Subalit kapag ang hinahanap ay makakasama sa buhay o companionship pero hindi kayang maaalagaan ito ng matagal na panahon dahil sa malaking responsibilidad at gastos , ang pag-ampun ng mga hayop ay isang mabisang alternatibo.

Foster care programs give temporary homes for animals before they go into adoption Getty Images/yara duvdevan Source: Getty Images/yara duvdevan
At ang Sydney Dogs & Cats Home ang isa sa mga organisasyon na may programa na nag-aalok ng pagpapa-ampun sa mga naliligaw at palaboy na mga hayop.
“ Ang pag-aampon ay life-savers at masaya ka dahil nakikita mong lumalaki sila sa poder mo. Nakakagaan sa pakiramdam at proud ka din "
Kahit sino pwedeng maging foster carer o mag-ampun ng hayop.
Walang kailangang kompletuhin na requirements pero ini-evaluate kung bagay ba ang napiling hayop sa klase ng pamumuhay ng mag-aampun.
Si Monica Lo Cascio ay matagal ng nag-aampon ng mga tuta, ang mga hayop na ito ay ilang linggo lang nyang inaalagaan para turuan.
Sabi nito maliban sa kasiyahan na dulot ni ito na may makakasama kahit saan ito pumunta, tinuturian ni Monica ang mga ito na maging trained o domesticated dogs ang mga ito, para balang araw madali silang makahanap ng pamilya na tunay na magmamahal at kukupkop sa kanila.
“Ginagawan ko sila ng journal para sa shelter para sa mga gustong umampon sa kanila. Para alam din nila kung ano na ang mga achievement ng mga hayop na ito. "
Paalala ni Dr Hanako Ogawa na isang emergency veterinarian sa may Sydney North Shore, dapat maging handa kapag kukuha ng aalagaang hayop. Dahil hindi sa lahat ng panahon mabuti ang kanilang kalusugan, may panahon din na sila ay nagkakasakit o nasusugatan kaya malaki itong responsibilidad gaya din sila ng tao na kailangan nilang matingnan ng tulad nyang vet.

Owning a pet is a lifetime commitment Getty Images/Peter M. Fisher Source: Getty Images/Peter M. Fisher
Dagdag nito masakit mang isipin may mga pagkakataon umanong ang mga hayop ay kailangan na lang hayaang mamatay dahil hindi na kayang tustusan ang gastos sa pagpapagamot ng mismong mga may-ari nito.
“Makinig kayo, sasabihin ko ito mula sa aking puso, sana ang mga nag-aalaga ng hayop kumuha ng pet insurance o kaya mag-ipon ng pera, para matustusan ang pangangailangan lalo na pag may sakit sila."
Ang buwan ng Marso ay tinaguriang , kung saan may layunin na turuan at itaas ang kamalayan sa pag-aalaga at pag-ampun ng mga hayop.ung bukas ang pamilya ninyo sa hayop na alagaan, mag-ampun o mag-alaga ng hayop, na matagal ng nangungulila ng kalinga at pagmamahal ng tunay na pamilya.