Mga dapat mong malaman tungkol sa mga panganib ng online shopping sa Australia

Overhead View Of Young Woman Doing Online Shopping With Laptop

Although technology has made shopping easier, it comes with risk. Source: Moment RF / Oscar Wong/Getty Images

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Bagama’t ang online shopping ay nag-aalok sa mga mamimili ng mga benepisyo tulad ng kaginhawaan at mga diskwento, may dala rin itong panganib.


Key Points
  • Habang umuusbong ang e-commerce sa Australia, ang mga online shopperes ay lalong nalantad sa mga scam
  • Maraming loyalty program ng retailer ang nag-aalok ng mga diskwento para mangolekta ng personal na data ng mga customer para sa marketing
  • Interesado ang mga hackers sa personal na data para sa kanilang sariling kapakanan, dahil maaari itong ibenta sa black market para kumita
  • Ang mga cyber criminals ay nagset-up din ng pekeng online shop para magnakaw ng pera at pagkakakilanlan ng mga tao
Bagama’t patuloy na tumataas ang online shopping sa nagdaang dekada, mas naging talamak ito sa kasagsagan ng lockdown dahil sa COVID -19.

Ayon sa , halos isa sa limang Australians ay bumibili ng groceries online. Samantala sa ibang pag-aaral, lumalabas na ang mga online supermarket shopping ay halos triple ang tumatangkilik dahil sa pandemya.

Sinabi ni Dr Louise Grimmer na isang Researcher at Senior Lecturer ng Marketing sa University of Tasmania sa College of Business and Economics. Kahit ang ilang malalaking retailer shops ay may magagandang online shop na bago pa man ang pandemya, napilitang bumuo ng isa o pinabuti pa ang kanilang digital platform o serbisyo dahil sa krisis.

“Bago ang pandemya, tinatayang nasa 40 porsyento ng mga mamimili sa Australia ang namimili online. At dahil sa pandemya tinatayang nasa 50 porsyento ngayon ang namimili online.’’

Paliwanag ni Dr Grimmer maraming retailers ang inayos at pinaganda ang kanilang website upang mag-alok ng pinakamahusay na customer service at delivery options, bukod sa iba pang mga benepisyo, upang mapanatili ang kanilang negosyo. Ngunit tumaas din ang kanilang mga presyo.

Dagdag nito kahit na ang mga online retail website ay madalas na tumutulong sa mga cutosmer na makatipid ng pera sa pamamagitan ng pag-promote ng mga deal sa nagbebenta o nagbibigay ng rewards sa mga kliyente at mga espesyal na alok. Dapat ding tandaan ng mga consumer na ang mga tindahang ito ay maaari kumuha ng kanilang personal na data at binabantayan kung gaaano ito kadalas mamili sa online.

Malinaw na susubaybayan nila ang iyong ginagawa sa website at siguradong ibinigay mo na ang ilan sa iyong personal data.
Dr Louise Grimmer, Mananaliksik at Senior Lecturer ng Marketing sa University of Tasmania, College of Business and Economics
Blue silhouette hacker
Source: Getty / Getty Images
Ang mga database na naglalaman ng impormasyon ng customer ay maaaring gamitin ng mga negosyo para sa lehitimong layunin sa marketing. Maaari rin silang ma-monetize o ibenta sa ibang third-party na negosyo, kung pinapayagan sa ilang kasunduan ng user.

Gayunpaman, ang impormasyong ito ay umaakit din ng mga cyber criminals at hackers na naghahanap na gamitin ito para sa kanilang sarilling pakinabang, dahil ang personal na impormasyon ay maaaring ibenta sa black market para kumita.

Pekeng online shops at identity theft

Ang isa malaking panganib ng online shopping ay makatagpo ng mga pekeng online websites na ginagamit ng mga scammers upang magnakaw ng pera o pagkakakilanlan ng mga tao o mas kilalang identity theft.

“Ang ginawa ngayon ng mga scammers ay gumagawa sila ng pekeng shops, sa internet, pero kadalasan sa social media," sabi ni Delia Rickard, the Deputy Chair of the Australian Competition & Consumer Commission explains.

Nagbabala din siya sa lahat na ang mga online scammers na ito ay karaniwang nagpapanggap bilang isang entity ng Australia para magkaroon ng kredibilidad para maniwala ang mga target na biktima gamit ang logo ng ahensya.
Madalas silang nag-a-advertise ng mga produkto na may napakababang presyo o kamangha-manghang mga benepisyo na napakaganda para maging totoo.
"Kadalasan ay magpapanggap silang isang kumpanya sa Australia at gagamit sila ng isang Australian ABN number, na kanilang ninakaw," dagdag ni Rickard.

Mahigpit na pinaalalahanan ni Rickard ang lahat, na kung himingi ang website ng hindi pangkaraniwang paraan ng pagbabayad sa binili, tulad ng wire transfer o cryptocurrency o voucher, malamang ito ay isang scam.

Kaya inirerekomenda nito na agad kontakin ang iyong bangko kung sakaling nabiktima ng scam.
Kapag mas maaga mong nalaman na na-scam ka at agad ipinaalam sa iyong bangko, mas mapoprotektahan ang iyong sarili.
Delia Rickard, ACCC Deputy Chair
Dagdag pa nito dahil sa taas ng demand bumabagal ang delivery ng produkto, kay mas nahihirapan ang mga customers na malaman kung sila ay na-scam

“Mas lalong mahirap ngayon na malaman kung na-scam sa onlien shopping dahil sa mga isyu ng supply chain. Nangangahulugan din ito na lahat tayo ay nasasanay na matagal dumating ang ating order, kaya problema talaga ito," dagdag kwento ni Rickard.

Ano ang gagawin kapag nabiktima ng scammers

Maraming online scam na idinisenyo upang makakuha ng personal na impormasyon na magpapakila sa isang tao, tulad ng pangalan , edad at address nito, pati ang impormasyon ng lisensya sa pagmamaneho at numero ng pasaporte.

Ang mga scams na ito ay karaniwang ginagawa para makuha ang pagkakakilanlan ng isang tao o identity theft.

“Kung makuha nila ang iyong pangalan, address, araw ng kapanganakan pati ang iyong number sa telepono, maaari na silang pumunta sa mga financial institution at magpapanggap na ikaw, " dagdag paliwanag ni Shanton Chang, Professor ng School of Computing and Information Systems sa University of Melbourne.

“Ito kasi ang paraan ng mga malalaking organisasyon para mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan o identity," pahabol nito.

Hinihikayat din ni Rickard ang mga nabiktima ng mga manlolokong ito, kung saan nagbigay na ng mga personal na impormasyon na agad makipag-ugnayan sa para sa at .

Pinapayuhan din nito ang mga online shoppers na regular na
i-check ang o ang kanilang para maging pamilyar sa mga panlolokong ginagawa ng mga scammers. Ang mga resources na ito ay isinalin sa 10 magkaibang lengwahe.

Maaari ka ring makipag-ugnayan sa ito ay isang organisasyong pinondohan ng gobeyrno para tumulong labanan ang mga scammers na nagnanakaw ng pagkakakilanlan ng isang tao o identity theft.

SCAM CONCEPT
Scam Source: Getty / Getty Images
Inirerekomenda din ni Dr Grimmer ang mga online shoppers na i-double check kung ang site na kanilang binibisita ay kagalang-galang bago ibigay ang bayad o personal na impormasyon.

“Sa iyong browser, dapat ang URL ka ng nagbebenta ay makikita mo ang maliit na icon ng kandato, ibig sabihin na ligtas ito na site para mamili. Maaari ka ding maghanap sa website ng mga sikat na retrailer at tingnan mo ang mga ratings at reviews."

Iminumungkahi din ni Dr Grimmer para sa mga baguhan sa online shopping dapat kumunsulta sa kanilang mga mahal sa buhay o mga kaibigan, para makatulong sila na matiyak na magpakakatiwalaan ang mga shopping platform na kanilang binibisita.

Bagama’t hindi kinakailangan na makipag-ugnayan sa mga pulis, pero kung minsan ang paggawa nito ay maaaring makatulong, lalo na kung ang scammer ay nakabase lang sa Australia.

Share